Chapter 22: Ancestral House

41 2 0
                                    

Nanatiling nakatulala at nakatayo ron si Arman. Ni hindi niya naisipang magtago. Medyo nasisinangan kami ng ilaw dahil malapit kami sa entrance. Nang silipin ko ang mukha niya ay sunod-sunod ang naging pag-agos ng mga luha sa pisngi niya habang sinusundan ng tingin si Dylan.

Buti na lang hindi namalayan ng zombie nan aka-on ang flashlight ko. Hanggang sa bila kong nabitawan ang cellphone ko kaya naglikha iyon ng ingay. Agad akong naupo saka hinila si Arman. Pinulot ko rin ang cellphone ko at yukong nagtago sa isang cabinet na maraming make up.

"Si Dylan," bulong ni Arman.

"Shhhh~" Pagtahan ko nang marinig ko siyang humikbi. "Tahan na," hinagod ko ang likod niya.

Titingin-tingin naman si Hubert sa amin. "Wala kang dapat ipagselos." Pinangunahan ko na siya dahil naamoy ko na nagaalburuto na siya sa inis.

Nang mawala ang mga zombie ay dahan-dahan kaming naglakad papunta sa exit. Hila-hila ko ang braso ni Arman dahil siguradong tatakbo siya papunta kay Dylan.

Narating namin ang gasoline station. Wala kaming sinayang na oras. Pinalibutan namin ng gas ang buong mall. Maging sa loob ay sinabuyan namin ng gas para siguradong matutusta ang zombies. Higit kumulang tatlumpong minuto rin ang ginugol namin doon.

Bumalik na kami sa gasoline station. Mabuti at may ilaw rito kaya hindi na ako nangangapa. Ilang sandali pa ay dumating na sila Daphne. Agad siyang napayakap sa akin.

Andito na kami sa gasoline station, ilang hakbang lang ang tatawirin ay mall na ang kaharap. Nakatayo kami at hinihintay ang sunod na gagawin ni Daphne.

"Pasenya na natagalan. Ni-check namin ang vicinity, wala ng ibang survivors kundi tayo lang," ani Jimmy.

"Ano?!"

"That is so odd."

"Hindi ba dapat meron pang iba sa lawak ng Aregdon tayo-tayo lang ang nakikita kong survivors."

"Huwag na nating intindihin iyan. Tara na at kumilos," ani Daphne saka hinarap ang laptop.

May mga nakita akong camera ron. Pagkatapos ay mayroon siyang ni-click sa mouse niya tapos ay umalingawngaw sa loob ng mall ang music. Hanggang dito ay naririnig namin.

It's my life

It's now or never

But I ain't gonna live forever

I just want to live while I'm alive (It's my life)

May mga nakita pa kaming mga zombie na mabibilis na tumakbo papunta sa loob ng mall kaya dali-dali kaming nagtago. Nang wala na kaming makitang zombies sa labas ay lumapit kami sa labas ng mall at siniklaban ng apoy ang ilang parte niyon.

Wala pang limang minuto ay agad sumiklab ang naglalagablab na apoy. Para kaming nag-bonfire pero imbes na kahoy ay zombies ang pinanggatong namin.

Nang lumaki nang lumaki ang apoy at umalingasaw ang natustang katawan ng zombies sa right-wing ng mall. Napalayo kami nang kaonti at napatakip kami sa ilong. Napapaubo ako, ang sagwa ng amoy. Parang bulok na bangkay na binabad sa usok.

Nagsusuka si Monic sa gilid samantalang binigyan naman ako ni Hubert ng tela na basa. Pantakip ko raw sa ilong ko dahil nakakasulasok daw ang usok.

"Umalis na tayo." Akmang aalis na kami at babalik sa gasoline station nang mapansin kong wala si Arman.

Nagpalinga-linga ako ngunit wala talaga siya. Medyo nakalayo na rin ang mga kasamahan ko sakin. Ni hindi nga napansin ni Hubert na wala na ako sa tabi niya.

"Melody? Ding?" Rinig kong tawag sakin ni Hubert. Lumingon siya sa likod at nakita ako. "Tara na," anyaya niya pero nilingon-lingon ko pa rin ang paligid pero wala talaga si Arman.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon