Chapter 19: Back off

53 2 0
                                    

“Ano bang gusto mong sabihin?”

“Na masaya akong kay Hubert ka nagmamahal ngayon, na siya ang nagmamay-ari ng puso mo dahil hindi ko magawang masuklian ang pagmamahal mo para sakin kasi…” Napakagat-labi siya at pagkatapos ay napalunok.

“Kasi…bakla ako.” Pag-aamin niya.

Ilang minuto lang akong nakatitig sa kaniya. Pilit ina-absorb ang sinabi niya. Naisip ko lang ang tanga ko pala kasi nagkagusto ako sa lalaking, lalaki rin ang gusto.

Lumambot ang ekspresyon ng mukha niya at mahinhing hinawakan ang mga kamay ko. Boses babae siyang nagsalita, “Ang totoo niyan, mayroon akong
boyfriend na isang teacher sa Aregdon State U at anim na taon na kaming nagmamahalan.” Napalunok siya.

Habang ako ay pinakatitigan ng nalalaki kong mga mata ang mukha niya.

“Nilihim namin ito kasi hindi pa kami handang sabihin sa lahat ang tungkol sa amin. Sa iyo ko pa lang ito unang sinabi kaya sana ‘wag mong sasabihin sa iba. Pinagkatitiwalaan kita, Melody at alam kong hindi mo ako bibiguin.” Mahabang sambit niya.

Napapailing-iling ako. Parang ibang tao ang nakikita ko. Hindi ko lubos maisip na mayroon siyang karelasyon na lalake. Kasi sa totoo lang si Arman ‘yong lalake na gwapo, matalino at maalalahanin. Nakita ko ‘yon lahat nang maging close kami kaya parang ang hirap paniwalaan ng mga sinasabi niya.

Ilang sandali pa ay kinuha niya ang cellphone niyang 10% na lang at pinakita sakin ang mga pictures nila ng prof na sinasabi niya. Parehas silang gwapo at kilala ko sa mukha ang professor na iyon. Lalakeng-lalake rin kung umasta gaya ni Arman. Daniel ba ang pangalan niya? Danilo? Basta nag-uumpisa sa D.

“Siya ba?” tanong ko at mabilis naman siyang tumango.

“Bakit mo ‘to sinasabi sakin?”

“Sa tingin ko kasi deserve mong malaman kung ano talaga ako…kung bakit hindi kita magawang magustuhan kasi parehas na kasarian ang gusto natin. Pero ngayong nalaman kong nagmamahalan kayo ni Hubert, masayang-masaya na ako.”

“Masayang-masaya rin ako para sa’yo, Arman. Ang totoo niyan hindi ko pa ma-absorb ang mga sinabi mo. Parang hindi ako makapaniwala.”

"Ganon din ako nang makita ko kung gaano kayo ka-sweet ni Hubert. Ikaw ang pinaka-una kong bestfriend kaya ko sinasabi sayo ito."

Hindi ako nakapagsalita. Yes, his bestfriend. Thats me.

"Can we go back to where we supposed to? Pwede ba kitang maging bestfriend uli?" Ngumiti siya nang tumango ako.

"Bestfriends." Nag-pinky swear kami at nagngitian. Na-miss ko siya sobra. Kasi ilang taon din kaming nag-iiwasan kasi nga bestfriend ko siya tapos naging crush ko parang ang awkward.

Pero ngayon kayang-kaya ko na siyang harapin nang di inuutal, di kinakabahan. Kaya ko na ulit siyang asarin gaya ng dati.

"Pero pano 'yan bestfriend ko rin si Daphne."

"Wala nang bawian naka-oo ka na." Ngumisi siya.

"Anyway, kumusta kayo ni...ng boyfriend mo?" Kita ko ang pagkislap ng mga mata niya nang banggitin ko ang salitang boyfriend niya.

"He's a good guy. If Hubert can calm the demon inside you. On the other hand, Dylan can still love me even if I show him my inner demon. 'Yong pagmamahal niya kumbaga kahit malamig na tubig ako I am hundred percent sure he will hug me, tight and warm without hesitation even if drowns his fire."

Naupo kami pareho sa swivel chair at pinagmasdan ang mga ganap sa labas sa pamamagitan ng mga monitor.

Hawak-hawak niya ang kaniyang tagiliran na may leak ng dugo ang bandage. Naaawa naman ako sa kalagayan niya. Hindi ko alam kung napano siya pero sa tingin ko talagang masakit ang sugat niya.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon