Natagpuan kami ng mga zombie at kasabay non ay ang sunod-sunod na pagpatak ng malalaking butil ng ulan. At nangyari ang bagay na hindi ko inaasahang mangyari.
O hindi...
Agad-agad na pinagbabaril ng mga kasamahan ko ang mga zombie. Ilan sa kanila ay bumagal ang paggalaw pagtapos ay nangisay at natumba bigla sa sahig. Ang iba naman ay nabubutasan ang katawan tapos ay nagshu-shutdown ang katawan nila na tila isang debateryang laruan.
Nagpakawala ng ilang shot si Monic at nagbuga ng usok ang kaniyang baril. Agad napaatras ang mga zombie at napapikit na tila na sumasakit ang mata dahil sa usok.
Pagtapos non ay nagpakawala ng limang shot si Hubert at nag-release iyon ng tunog na hindi naman ganon kalakas ngunit napaatras ang mga zombie at tila sumasakit ang kanilang mga tainga.
"Ang ironic naman, akala ko ba na-a-attract sila sa sounds?"
"Huwag natin i-underestimate ang inventions ni sir Thomas. I believe sobrang sensitive nila sa sounds kaya kahit mahina lang ang pinakakawalang tunog ng weapon feeling nila masyado nang malakas ang volume," paliwanag ni Jimmy.
Napangiti ako nang unti-unting umatras ang mga zombie kaya nagkaroon kami ng pagkakataon para makatakas.
Habang bumubuhos nga ang malakas na ulan at dumadagundong ang malalakas na kulog ay takbo kami nang takbo.
Hawak-hawak ni Hubert ang kamay ko habang tumatakbo. Nagpapakawala rin ng kidlat ang kalangitan kaya napapatigil ako sa pagtakbo at napapatakip ng tainga.
Hinawakan ni Hubert ang mukha ko. "Okay ka lang?" Tanong kaya tumango naman ako para 'di sila mag-alala.
Tumakbo na naman kami nang tumakbo. Kahit saan nagsususot kami para lang hindi kami maabutan ng mga zombie.
Basang-basa na kami ng ulan. Nanginginig na rin ako dahil sobrang lakas din ng hangin. Sa tantya ko ay higit kalahating oras na rin kaming tumatakbo. Sa tuwing may nakakasalubong kaming zombie ay pinagbabaril namin. Mabuti at gumagana ang mga weapon namin kahit nababasa ng ulan.
Mas binilisan ko ang takbo dahil may mga zombie sa likod namin, nasa higit sa bente rin sila. Kaya lang bigla akong nadulas dahil basang-basa ang sahig.
"Shit."
"Melody!"
"Mahal."
"Hey stand up."
Nauna ang baba kong natumba kaya naman nangilo talaga ako. Sinubukan akong itayo ni Hubert kaya lang nang makatayo ako ay natumba ako ulit. Pagtingin ko sa tuhod ko ay may umaagos na malapot na dugo.
Sa matulis na humps pala ako ng daan nadapa kaya nahiwa nang bahagya ang tuhod ko. Maging ang suot kong jeans ay nabutas din. Inaagos ng malamig na patak ng ulan ang nagkukulay itim nitong dugo, isang senyales na malalim ang hiwa nito.
Bago pa man ako makagat ng zombie ay hinarangan ako ni Daphne saka pinagbabaril ang mga zombie kaya bumagal ang paggalaw nila.
Nang makahanap ako ng tyempo ay tumayo ako at pinagbabaril ang mga zombie kaya na-trap sila sa net.
"Kaya mo?" Tanong ni Hubert nang sinubukan kong ihakbang ang paa. Namilipit ako sa sakit nang tumapak ang paa ko sa basang sahig.
Umupo si Hubert sa harap ko. "Sakay," aniya kaya hindi na ako nagpabebe pa. Sumakay na ako at nagpiggy back.
Lakad-takbo ang ginawa niya para makasabay sa hakbang ng mga kasamahan namin.
"Dito, dito!" ani Jimmy na siyang nangunguna sa daan. Nakahanap siya ng bukas na bahay. Dalawang palapag ito at sa labas pa lang ay halatang mamahalin na ang mga gamit.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Bilim KurguMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...