Nagpunta na kami sa farm dahil doon ang reception. Sobrang lawak nitong reception. Nagtayo sila rito ng parang shed pero malawak tapos gawa sa transparent na salamin.
Kulay pink, white at gold pala ang theme ng kasal ko kaya maraming naka-ganong mga kulay sa paligid. Kahit pa ‘yong mga bisita mga ganong kulay ang suot.
Ginala ko ang paningin sa paligid. Merong arko sa bungad ng reception tapos may mga pink na bulaklak na nakadesenyo ron saka mga gold na bola-bola at white na mga dahon.
Merong mga long table na maayos na nakahelira tapos color white, gold at pink ang mga kulay ng palamuti. Sa kabilang side meron don ang cake na sobrang taas at kulay pink. Meron ding gold na edible at maliliit na bilog-bilog. Tapos merong white na topper. Natakam ako bigla.
Sa kanan naman nandoon ang mga pagkain na ni-request ko hehe. Meron din dong cheese fountain. Parang chocolate fountain din lang pero cheese na liquid ang nakalagay tapos sa palibot niya merong mga mini pancakes, bread sticks at hotdogs.
Meron ding apat na lechon na nakaparada sa lamesa. At naglalakihang mga kaldero at kaserola. Nagbayanihan talaga ang mga tao rito para sa kasal ko. Ramdam ko naman ang suporta nila sap ag-iisang dibdib namin ni Hubert.
Nag-umpisa na ang emcee sa pagsasalita sa pamamagitan ng isang munting dasal tapos kumanta kami ng mga papuring awit. Nakatutuwa lang na kahit magkakaiba kami ng mga religion, hindi sila nagaatubiling respetuhin at makisama kung ano ‘yong mga nakagisnan namin.
Marami palang hinandog na pakulo ang mga katutubo naming aeta. Inimbitahan din kasi namin sila kasi hindi naman sila naiiba. Sumayaw sila ng tinikling at carinosa.
Sunod naman ay nagpa-poem contest si mommy. Dapat daw impromptu at marami naman ang nakilahok. Grabe ang wi-witty nila.
Karamihan sa mga nakilahok ay mga anak ng co-teachers ko. Binigyan nga ni mommy ‘yong first winner ng five thousand, second winner naman ay three thousand at third winner ay two thousand. Nag-tula ka lang nagkapera ka na. San ka pa?
Tapos si daddy naman nagpa-singing contest at lumabas na nga ang natural na talento ng mga Pilipino pagdating sa pagkanta. Pakiramdam ko ako ang mapuputulan ng litid sa taas ng mga kinanta nila. Binida ng mga tao ang mga OPM songs na karamihan ay galing sa Aegis.
Pagkatapos ng singing contest ay nagkaroon ng mga palaro gaya ng agawan buko. Mahirap ‘yon kasi lalagyan ng mantika ‘yong buko saka katawan ng mga manlalaro. Si Jimmy ang nanalo sa larong ‘yon.
Sunod naman ay basag banga para sa mga kababaihan. Syempre hindi lang para sa bata ang laro. Tapos ang lamang premyo ay mga lipstick, blush on, concealer.
May nahubaran pa ng shorts sa katutulak. Tapos ang nakakatawa ang salawal nakatali na ng lastiko dahil lumuwang na ang garter.
Ngayon naman ay naglalaro na ang mga kasambahay ng sack race.Masayang-masaya ang lahat hanggang sa bigla na lamang malaglag ang pustiso ng isang kasambahay.
“HAHAHAHHAAHHA!” Puno ng tawanan ang mga tao. Ang sakit sa tiyan.
Panay ang hampas ko sa braso ni Hubert habang tumatawa. Paano ba naman piatapos pa talaga ng kasambahay ang sack race bago pulutan ang pustiso. Tapos nakabungisngis pa siya wala nan gang ngipin.
Ngayon naman ay naglalaro kami ng bugtong-bugtong na medyo naughty.
“Mahaba at matigas. Kapag sinubo’y kumakatas.” Sabi ng emcee sa isang kasambahay at agad naman siyang sumagit ng
“Tite!” Napuno na naman ng tawanan ang silid. Tinakpan naman ng ilang magulang tainga ng mga anak.
“Ang tamang sagot ay ice candy. Naku, ha ayusin ang mga sagot bubuhusan ko kayo ng holy water.”
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...