Chapter 16: The Ring

58 2 0
                                    

"Melody! Hubert!” Kinalampag ni Monic ang pinto. Please remind me tadyakan siya sa sikmura mamaya.

Biglang nagbitaw ang mga labi namin nang tinawag kami at walang pakundangang binuksan ang pinto. Kunwari ay may hinahanap ako sa lamesa sa tabi ko samantalang si Hubert naman ay may kinakapa kunwari sa kama.

“Bakit?” Kunwaring tanong ko sabay punas sa labi.

“Jimmy’s here!” Nagagalak na aniya kaya naman dali-dali kaming lumabas.

Nang makita ko siya ay nagtatalon ako sa tuwa.

“Jimmy!” Napayakap ako sa kaniya nang wala sa oras kaso hinatak ni Hubert ang kamay ko at nilayo sa kaniya.

“Mabuti naman nakarating ka rito nang buhay,” wika ni Hubert na
ipinagkadiinan ang salitang buhay.

“Oo naman! Maraming zombie sa labas pero nakayanan ko naman. Takot ata sa dasal ko na may kasamang itim na salamangka.” Natutuwang aniya. Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan nang dumako ang tingin niya sa kamay namin ni Hubert na magka-holding hands.

Madrama niya itong hinawakan at itinaas. “Anong ibig sabihin nito?” tanong niya kunwari ay naluluha. “Ganoon ba ako katagal nawala at nagbago na ang ikot ng mundo?” dagdag niya.

Oo Jimmy, hindi ko rin akalain na magiging ganito ang kalalabasan ng lahat.

“Jimmy, diba sabi mo magpapa-fiesta ka kapag nagkagusto kami ni Hubert sa isa’t-isa. Sa tingin ko kailangan mo nang mag-isip ng mga ihahain sa lamesa.” Matamis akong nakangiti sa kaniya habang sinasabi ‘yon.

“O Diyos ko! Magugunaw na ba ang mundo?” Madrama niyang sabi saka nagkunwaring naluluha.

Pagkakwan ay bigla siyang natawa nang malakas at tinuturo-turo pa ang nakangising mukha ni Hubert.

“HAHAHAHA! Mabuti naman at naglakas-loob ka nang umamin. Aba kung may award lang ng pagiging torpe ay ikaw na ang una kong isasali siguradong mananalo ka." Tinapik niya pa ang braso ni Hubert.

Nanlalaki naman ang mga mata ko sa nalaman. “Alam mo?” tanong ko. Tumango naman siya nang paulit-ulit.

“Congrats Hubert. After 5 years sa wakas nilayasan ka na ng katorpehan mo,” wika ni Daphne na ikinakunot ng noo ko.

“Alam mo rin?” tanong ko kay Daphne.

“Oo, hindi ko lang sinasabi sayo dahil wala ako sa posisyon. Kuwento niyo ‘yang dalawa kaya dapat kayo ang mag-usap sa mga ganiyang bagay,” sagot ni Daphne.

“Wow! After like eternity finally you confessed! I’m sorry I overheard your confessions earlier." Masayang sabi ni Monic saka nag-peace sign.

“Alam mo rin?” tanong ko kay Monic at napaturo pa ko sa kaniya.

“Everybody knows except you,” wika niya at hinawi ang buhok. Nang tignan ko si Hubert ay nagkakamot siya sa batok.

“Kailan niyo pa alam?” tanong ko at napaturo sa gawi nila.

“Matagal na!” sagot nilang tatlo.

“Eversince like senior high,” sagot ni Monic.

“Bakit hindi ko alam?” kunot noong tanong ko at napaturo sa sarili.

“Dahil manhid ka!” sigaw nila kaya narindi naman ako. Ganon ako kamanhid? Ilang taon na ang nakalipas, ha.

“Eh, Hubert, nanliligaw ka na ba?” tanong ni Daphne, nagkamot naman ng batok si Hubert.

“Melody,” tawag niya saka iniharap ako sa kaniya.

“P-pwede b-ba akong manligaw?” bigla namang nag-init ang mga pisngi ko at bumilis ang pintig ng puso.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon