Chapter 29: Y face reveal

53 2 0
                                    

"UGHHHHH!" Huling banggit ko bago lumabas ang mga katas. Ang ine-expect ko ay aalis na ron si Hubert at hahayaang umagos ang likido pero nagkamali ako. Nanatili siya ron at kinakalikot ang talaba habang lumalabas ang katas non.

"H-hubert." Nanghihinang suway ko pagkatapos.

Tinignan niya ako habang dinidilaan ang huling katas na nasa gilid ng labi niya. "Ano ba." Hinampas ko nga sa balikat. Napangisi siya, "Ang sarap."

Inirapan ko nga. Nakakaasar. Ang hot niya. Ay ano ba hehe. Medyo maharot.

Nagtalikuran kami ni Hubert mga dalawang dipa ang layo ko sa kaniya. Bigla kasi akong tinablan ng hiya. Nagsusuot na kami ng mga damit namin ngayon.

"Hindi ko naman ine-expect na sa ganitong lugar ako bibigyan ni God ng romantic scene. Sa mga nababasa ko kasi sa wattpad, sa mga romantic na lugar sila nagjujugjugan. Bakit sakin sa bato?" Nakangusong bulong ko habang sinusuot ang panty.

"HAHAHAHA! Kapag kinasal na tayo ay dadalhin kita sa romantic na lugar." Rinig kong sabi ni Hubert at rinig ko ang pagtaas ng zipper niya.

Agad tuloy akong napatigil sa pagkabit ng bra at napatakip sa bibig ko. Pagkatapos ay nanlalaki ang mga mata kong tinignan siya habang nagsusuot ng polo shirt.

"Narinig pa niya 'yon?" Kunot noong tanong ko.

"Oo nadidinig ko," aniya kaya binalewala ko na lang at tinuloy na ang pagdadamit.

Magkahawak kamay na lumabas sa kweba. Ngayon naman ay nangunguha siya ng kawayan at pinapatulis ito gamit ang espada niya.

"Ano bang ginagawa mo?" Tanong ko sa kaniya habang nakapangalumbaba.

"Manghuhuli tayo ng isda," aniya at napatayo naman ako sa pagkakaupo.

"Talaga? Alam na alam ko 'yan. Ganiyan ginagawa namin ni itay. Kaso pamingwit gamit namin hindi ganiyan." Tuwang-tuwang kwento ko.

"Tuturuan naman kita," aniya at nagtatalon naman ako sa tuwa.

Andito na kami ngayon sa ilog. Hanggang tuhod lang namin ito at sobrang linaw ng tubig. Kitang-kita ko ang mga clams at isda na naglalaro sa tubig.

"Ganito, tignan mo ako. Bago pa makatapat sa pwesto mo ang isda ay tuhugin mo na," wika ni Hubert saka tinuhog ang isda na malapit sa paa niya. Tinaas niya ang matulis na kawayan tapos nakita ko merong nagpupumiglas na tilapia sa dulo non.

"WOW! Ang galing!" Napapalakpak pa ako. "Ako naman, ako naman." Sabi ko at nag-abang ng isda kaso pagtusok ko sa kawayan ay bato ang natuhog ko.

"Nakakainis! Bakit kapag ikaw meron." Pagmamaktol ko.

"Tss. Tignan mo kasing mabuti. Focus ka lang," aniya. Tinuhog niya ulit ang kawayan tapos meron uli siyang natuhog.

Sinubukan ko ulit magtuhog ng isda kaso wala talaga akong nakukuha. Sinubukan ko pa nang sampung beses kaso wala talaga.

"Haaay naku ayoko na nga," pagsuko ko at binitawan na ang kawayan.

"HAHAHAHA! Sige next time mamimingwit na lang tayo," aniya.

Wala naman akong ginagawa kaya nagtingin na lang ako at nanguha ng mga clams. Pwede naman itong iihaw. Masarap kaya kahit walang pampalasang ilagay malasa pa rin.

Pagkatapos namin manguha ng isda at clams ay bumalik na kami sa pwesto namin. Wala ron sina Jimmy at Daphne at tanging si Monic lang ang andon.

Pagdating namin don ay nakaupo lang siya at umiiyak. Mabuti at may puno sa paligid namin kaya kahit tirik ang araw ay hindi mahapdi sa balat.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon