“A-arman! Huwag, maawa kayo kay Arman!” Sinisigaw ko ang pangalan ng zombie na iyon kahit hindi ko naman sigurado kung naiintindihan ba niya ako.
"Armaaaaan!"
Nanginig ang buong katawan ko. Sa posibilidad. Kung hindi nila babarilin si Arman ay makakagat ang mga magulang kong nakatali sa gitna ng field.
Kumakapal na rin ulit ang usok sa loob ng tube. Nag-umpisang manikip ang dibdib ko nang ang mga usok ay unti-unting nahahaluan ng itim na kulay. Parang mas mahapdi sa mata 'yong ganitong usok. Mas masakit din sa dibdib. Kanina kasi white lang na usok, e.
"Mga hayop kayo! Mga hayop!" Nagsusumigaw ako sa loob ng tube.
"Arman! 'Wag si Arman!"
Narinig ni Hubert ang tinig ko kaya naman tinignan niya ako nang punong-puno ng awa.
"I'm sorry mahal." Tinaas ni Hubert ang baril. Kahit maraming usok sa tube ay kita ko ang panginginig ng kamay niya.
Ilang segundo na ay 'di pa rin niya kinakalabit ang gatilyo. Umiiyak na rin ng mga magulang ko kasi malapit na malapit na si Arman sa kanila.
"The clock is moving. Tik tak tik tak~" Pakanta pang sabi ni Violet.
Nasa pinakadulo ang mga kasama ko. Pinapalibutan sila ng mga tauhan nila. Nasa gitna naman ang parents ko. Nasa kaliwa nila ako at nasa harap naman sina Violet at Y.
Parallel ang pwesto nina Violet at sir Thomas sa puwesto ko. Kumbaga si sir Thomas ang nasa north at ako naman ang nasa south. Nasa baba naman nila ang mga baliw na mga scientists at armadong kalalakihan.
Samantalang nasa left naman si Arman, nasa gitna ang mga magulang ko at nasa right side naman ang mga kaibigan ko.
Kitang-kita ko pa rin ang mga pangyayari kahit malayo ako sa kanila dahil may mga malalapad na TV sa harap namin.
Mas napapalapit si Arman papunta sa mga magulang ko. Kahit napakahapdi ng mata ko kitang-kita ko ang pamumuo ng pawis ni Hubert sa noo.
Pakiramdam ko nag-slow mo ang paligid nang makita kong itapat ni Hubert ang baril sa mismong puso ni Arman. Kita ko kasi na umilaw ang bandang dibdib ni Arman ng kulay pula
"Huwag!" Sigaw ko habang umiiyak. Pero agad nanikip ang dibdib ko nang makita ng mga magulang ko na nnginginig na sa takot.
"D-dad, tama na po. Mo-mom mom please tama na." Nakita ko na lang si Daphne na nakalapit na sa parents niya habang nakaluhod. Yakap-yakap niya ang tuhod ng ina habang humahagulgol.
"Stop this nonsense, stop!" Rinig ko ring sigaw ni Monic sa mag-asawa na prenteng nakatayo at tila inaabangan ang paboritong sport show.
Napahilamos naman si Jimmy sa mukha. At tumulo ang luha nang makita kung gaano kagulo ng sitwasyon.
Palipat-lipat ang tingin niya sakin, kay Daphne na nakaluhod, kay Hubert na hanggang ngayon nakatutok ang baril kay Arman at sa mga magulang ko na malapit na sa kamatayan.
Hindi naman makapagsalita ang mg magulang ko dahil may nakabusal ma tela sa bibig nila. Kahit ganon, kitang-kita ko sa mga mata nila ng takot. Malamang kabilang sila sa mga gumaw ng zmb virus kaya alam nila kung gaano ito kadelekado.
"W-wag..." Hirap na hirap na kong huminga. Kahit sobrang hapdi ng mata ko dahil sa usok, pinilit kong idilat ang mga mata para panoorin ng nangyayari sa labas.
Malapit na malapait na si Arman kay mommy at daddy. Tumingin muna sakin si Hubert and he mouthed 'sorry'. Paulit-ulit akong umiling habang humahagulgol ng iyak.
Napapikit ako ng kakalabitin na ni Hubert ang trigger. Ngunit agad ding napadilat dahil napansin kong inibahan niya ang direksyon ng target niya.
BANG!
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...