Chapter 8: Sir Thomas

72 1 0
                                    

Humid talaga ang weather sa Pilipinas. Sa umaga mahamog, sa tanghali tirik ang araw at sa hapon ay uulan. Bumuhos na ang sunod-sunod na patak ng ulan. Kasabay ng pagkawala ng malalakas na tunog ng kulog at kidlat.

Napapatalon ako sa gulat kapag gumuguhit ang kislap ng kidlat at tumatama sa lupa. Pakiramdam ko kasi matatamaan ako. Humiwalay na ako kina Jimmy at Hubert kasi ewan, na-badtrip kasi ako bigla. Hindi ako makasabay sa mga banat nila.

Naglakad kami nang dahan-dahan. Wala namang silbi kung tatakbo kami dahil basang-basa na kami ng ulan. Sina Daphne at Monic ang nangunguna. Atat na silang makahanap ng masisilungan. Nakasunod si sir Thomas sa kanila. Tapos ako nakasunod naman kay sir. Samantalang iyong dalawa nasa likod ko.

Hindi ko masyadong maaninag ang daan. Ang lakas ng ulan. Nanginginig na rin ang kalamnan ko kahit naka-jacket pa ako. Umiihip kasi ang malakas at malamig na hangin.

Iyong mga puno pakiramdam ko matutumba dahil gumigiwang-giwang sila. Nalalaglag din ang mga tuyong dahon nila. Tapos marami ring naglalaglagang mga maninipis na sanga.

Nagulat ako nang biglang may humila sa'kin. Nahampas ang mukha ko sa matigas na bagay at nanlaki ang mga mata ko nang malaman kung ano iyon. Dibdib lang. Dibdib lang ni Hubert. Pero bakit ang bilis ng tibok ng puso ko?

Magtatanong sana ako pero umalingawngaw ang sigaw ni sir Thomas. Napatingin ako sa guro. Nakahiga siya sa sahig. Namumula ang mukha niya at hindi magkamayaw sa pagsigaw.

Nasagasaan pala siya ng kumakaripas na motor. Siguradong mga survivors iyon. Sinubukan itong habulin ni Jimmy pero hindi niya nahabol.

"Hoy! Bumalik ka rito!" rinig kong sigaw niya. Nakita ko lang na nag-peace sign ang naka-motor at humarurot na paalis. Ni hindi man lamang namin nasilayan na may kumakaripas na palang motor. Sobrang lakas kasi ng ulan kaya hindi makita 'yong mga makasasalubong namin.

"Walangya ka!" pahabol pa ni Daphne sa mga naka-motor.

Walangya, nasa gitna na nga kami ng outbreak mananagasa pa sila. Hindi talaga lahat ng survivors may puso.

Nilapitan namin si sir at napasinghap ako nang makitang puro dugo ang kaliwang paa niya. Doon napuruhan. Kahit umaagos ang malapot na likido, hindi nakatakas sa paningin ko ang nalaslas niyang balat sa may bukong-bukong.

Namumula ang mukha at leeg niya sa kirot at hapdi. Napalunok ako nang ilang ulit. So, kung hindi pala ako hinila ni Hubert....ako iyong masasagasaan?

"Shit!" Napasinghap din si Daphne sa nakita.

"Oh no!" Maging si Monic ay ganoon din ang reaksyon. Kami ngang nakakita ay para na ring nasasaktan, e. Paano pa kaya si sir mismo.

"Sir kapit," binuhat nila Jimmy at Hubert si sir saka namin pinagpatuloy ang paglalakad. Nakasunod ako sa kanila, natataranta at nanginginig ang labi. Sa ginaw, sa takot, sa inis. Lahat na. Bakit nangyayari 'to samin?

Mabagal silang maglakad dahil sa hangin at buhat ang guro kaya minadali ko ang pagkilos. Inunahan ko na sila sa paglakad. Kailangan kong makahanap ng bahay para may matuluyan kami. Sana lang ay walang infected doon.

May nakita akong alambre sa gilid ng basurahan kaya kinuha ko. Susubukan kong buksan ang gate at pinto ng bahay na malapit lang sa'min. Kailangang magamot ang sugat ni sir.

Ilang minuto ko rin kinalikod ang padlock bago ma-unlock.

"Dito! Dito!" Sigaw ko. Natatapalan ng lakas ng ulan at kidlat ang boses ko kaya kailangang lakasan. Winagayway ko ang kamay sa ere at agad naman silang lumapit.  Tiniwangwang ko iyon upang hindi masagi ng gate ang sugat ni sir.

Nanginginig ang kamay kong binuksan ang pinto ng bahay sa lamig ng panahon.

"Yes!" Nasambit ko nang mag-click ang pinto. Binagsak ko agad ang bag kong mabigat na mas bumigat pa dahil basang-basa, sa kulay kremang sahig.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon