"WAAAAAAAAA! Bawal po bang magluto? Huhu paano 'yan nahiwa ko na ang mga sangkap wala ako pambayad." Naiiyak na sagot ko at nagaktinginan sila.
"Hindi naman po sa bawal senyorita. Ang utos lang kasi samin, 'wag kayog hahayaang gumawa ng gawaing bahay." Ang OA naman ni daddy. E, anong gagawin ko rito?
"Huwag mo na pong seryosohin 'yong sinabi ni daddy at mommy. Tulungan niyo na lang po akong magluto," sabi ko at kinuha sa kaniya ang kutsilyo.
"Lagot po ako-"
"Help me to cook and that's an order." Agad naman siyang kumilos at tinulungan akong maggayat ng ingredients.
Hehe effective pala 'yon. Ganon nga gawin ko palagi.
Pagtapos namin magluto ay tinawag na namin sila at kakain na. Nilabas namin ang parehabang lamesa tapos nilagay na namin don ang mga pagkain.
"Mukhang masarap," komento ni daddy.
"Hmnnn ang bango~" Pakantang sabi ni mommy.
"Boodle fight na!" Excited na sabi ko kaso nakatunganga lang sa tabi 'yong mga kasambahay at body guards. Pati na rin sina Jimmy, Monic at Hubert nakatunganga lang sa tabi.
"O ano pang hinihintay niyo riyan, arat na!" Anyaya ko.
"H-hindi po pwedeng magsabay kumain ang mga boss at alipi-" Haist ayan na naman sila sa mga ganiyan.
"Eat, join me and that's an order," sabi ko at agad naman silang nagsikilos.
Pagtapos namin kumain ay nag-swimming kami ulit. Pasimple kaming nag-ho-holding hands ni Hubert kapag di nakatingin si daddy at mommy.
Nang kinakagat na ng dilim ang liwanag ay umahon na sila habang ako enjoy na enjoy pa.
"Baby umahon na baka magkasakit ka," bilin ni mommy kaya umahon na ako. Maggagabi na rin kasi at lumalamig na ang simoy ng hangin.
Naligo na ako sa cr tapos ay nagpalit na rin ako ng damit pantulog. Pagdating ko sa salas nandoon si sir Albert, mommy, daddy, Monic, Jimmy at Hubert na nakaluhod sa harap ng mga magulang ko. Nakaluhod din si sir Albert.
"Sorry madame, sorry master pero nahulog na po ang loob ko sa anak niyo," sabi ni Hubert habang nakayuko.
"Madame, master, nagpapasalamat po kami sa tulong na binigay niyo samin at tatanawin ko pong malaking utang na loob iyon. Ngunit..." Napahikbi si sir Albert.
"Huwag niyo po sana kaming tanggalan ng trabaho. Kailangan po namin ng hanap buhay para makapagtapos ang mga anak ko." Napaluha si sri Albert.
"Ma'am Priscilla, sir Alfred, kung ang kapalit ng pakikipagpalagayang loob ko kay Melody ay ang pagkatanggal ng trabaho ng daddy kusang loob na lang po akong lalayo. Magtatrabaho po ako at patutunayang hindi pera ang habol ko sa anak niyo." Nakayukong sabi ni Hubert.
"Albert, Hubert, ano bang pinagsasabi niyong mag-ama?" ani mommy saka lumuhod sa harap nina sir Albert at Hubert.
"Hindi namin hahadlangan ang pag-iibigan ng dalawa at hindi ko kayo tatanggalan ng trabaho." Hinawakan niya ang kamay ng mag-ama saka tinayo.
"In fact, nagpapasalamat kami sa inyo dahil hindi niyo pinabayaan ang anak ko habang wala siya sa puder namin ni Priscilla. Maraming salamat sa kabutihan niyo," sabi ni daddy saka yumuko.
"M-master Alfred." Tawag ni Hubert. Umayos ng tayo si dad.
"Hindi ko kailanman hahadlangan ang pag-iibigan niyo ng anak ko. Basta ipangako mo sakin na hinding-hindi mo siya gugutumin, bibigyan ng maayos na buhay at hinding-hindi sasaktan sa anomang paraan. Kung ayaw mo na, isauli mo sakin. Tatanggapin ko," sabi ni daddy at namuo naman ang luha sa mga mata ko.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...