Hello! Kung nakarating ka rito, I just want to express my deepest thank you for reading my story. I hope you enjoy reading this as much as I enjoyed writing it.
And kahit sciefi ang genre ng kuwentong ito, ginawa ko talaga ang best ko para ma-showcase ‘yong iba’t-ibang kultura, nakaugalian at tradisyon nating mga Pilipino.
Kasi, umaasa ako na one day ma-publish ang gawa ko kahit alam kong imposible pero deep inside my heart, umaasa ako na ma-publish ito into books.
Sa ganong paraan, matutulungan ko ang mga Pilipino na ma-preserve ang mga kultura at tradisyon natin at ma-showcase sa mga kabataan ang nakaugalian na natin para nang sa gayon, maisabuhay rin nila.
Napansin ko kasi na sa pag-usbong at patuloy na pamamayagpag ng teknolohiya, nakalilimutan na nating isabubay ang mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino.
Ang mga tradisyon at kultura na nabanggit ko sa kwentong iyo ay: fiesta, jeep, pagkakamay, pagmamano, pagdarasal bago kumain at kubo. Nilagay ko rin ang mga pambansang hayop na kalabaw at pambansang bulaklak na sampaguita.
Hinding-hindi rin mawawala ang mga pagkaing Pilipino gaya ng lechong baboy, kalderetang baka, pinapaitan, bopis, adobo, bicol express.
Magpapahuli ba ang mga dessert na paborito nating kainin gaya ng halo-halo, binatog cassava cake, biko at putong balanghoy. Mg palamig gaya ng blue tea at buko juice.
Tapos nilagay ko rin ang mga larong pinoy na na-enjoy natin noong mga bata pa tayo gaya ng agawan buko, patuklusan, sack race, basag banga.
Mga sayaw na tinikling at carinosa. Mga OPM songs na may pamagat na destiny at minsan lang kita iibigan.
Hindi ko rin nakalimutan ‘yong mga kanta ng mga banyaga na napakikinggan natin sa fm station tuwing hapon gaya having you near me at ang favorite song ko na come what may.
Nilagay ko rin diyan ang tradisyunal na panliligaw ng mga kalalakihan sa mga kababaihan gaya ng harana at pamimigay ng mga bulaklak.
Isa rin sa mga tradisyon at kultura ng mga Pilipino na nabanggit ay ang pamamanhikan kung saan promal at magalang na hinihingi ng lalake ang kamay ng babae sa mga magulang niya.
Nilagay ko rin ang iba’t-ibang yamang kalikasan na matatagpuan sa Pilipinas gaya ng ilog, dagat at bundok
Hindi ko rin nakalimutan ang mga pagkain na pinamana satin ng mga sumakop sa Pilipinas gaya ng beef steak, tempura at leche flan.Bahagi na rin sa kultura ng mga Pilipino ang mga bugtong at salawikain at sana hindi niyo nilampasang basahin ang mga iyon.
Masaya akong ibahagi sa inyo ito baka kasi hindi niyo napansin kaya ako na ang nag-initiate na magsabi hehe. Atska baka kasi hindi aware ang mga kabataan na ang mga nabanggit ay bahagi na pala sa tradisyon nating mga Pilipino.
Matutuhan natin sa kuwentong ito na:
Una, hindi lahat ng mabait sa atin ay totoong mabait. Minsan kung sino pa ‘yong mga tao na akala natin maarte, palagi tayong inaasar at sinasagot tayo nang pabalang ay sila pa pala ang tunay na nagmalalasakit sa atin. At applicable ito sa totoong buhay kaya be careful who you trust.Pangalawa, lahat tayo may kaniya-kaniyang defense mechanism. Hindi porket pabalang siya sumagot o maarte siya, wala na siyang pinagdadaanan. Siguro kaya siya ganon kasi ganon ang way niya para ikubli ang mga nararamdamang hinanakit at takot. Kaya sana huwag tayo agad mag-judge, though hindi naman natin maiiwasan ‘yon, pero piliin na lang sana nating umintindi.
Lahat tayo may kaniya-kaniyang silent battles. Always choose to spread kindness and comprehension over discrimination and resentment.
Pangatlo, hindi natin masasabi kung paano tayo isu-surprise ni Lord pagdating sa pa-ibig. Puwedeng matagal ka nang may gusto sa tao pero hindi pala siya ang para sa’yo. Minsan kung sino ‘yong kinaiinisan natin siya pala ‘yong talagang para satin. Nakakainis pero nangyayari ito sa totoong buhay. Kung kayo talaga ang nakasulat sa bato ng tadhana kahit pa umiyak ka ng lahar wala kang magagawa kundi sayawan ang ritmo ng pag-ibig.
Gusto ko lang din bigyan ng credit ‘yong mga may-ari ng mga kantang ginamit ko.
Kindly recommend this story to tour friends, to your enemy or to your ex of you like.
Did you enjoy the journey of Melody Delfin? If you do so, please comment what have you learned in the story. It would be my pleasure to read your thoughts.
Adios~
LeoMorteres
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...