Chapter 49: If Ever You're In My Arms Again

33 1 0
                                    

Three years na ang nakalipas simula nang mangyari ang outbreak. Hindi naging madali ang lahat. Hanggang ngayon, sugatan pa rin ang mga puso namin sa lahat ng paghihirap na dinanas namin.

For the past three consecutive eyars, sinisisi kami ng taumbayan kung bakit nangyari ang outbreak. Ni-kontrol pala ni Y ang media kaya napanood ng madlang people ang mga naging sagutan namin sa underground lab.

Kung sino ang mga nag-create ng virus and all that. Talagang siniguro ni Y na kahit makaligtas man kami sa outbreak, hindi naman kami makaliligtas sa panghuhusga at pangmamata ng mga tao.

Hati ang opinyon ng taumbayan, ‘yong iba sinisisi kami tapos ‘yong iba tinuturing kaming hero.

Sa tatlong taon kasi, kinuha nina mommy at daddy ang box kung nasan ang formula ng code. Ni-recreate nila ang formula para mas maraming antidote, mas marami ang gagaling.

Inipon namin lahat ng zombie na pagala-gala sa Aregdon. At kahit labag sa loob namin kinailangan silang gamitin ng mga magulang ko para sa antidote. In short, sa kanila tinesting kung gumagana pa rin ba ang antidote kahit iba ang formula ni Y sa pag-create ng ZMB virus sa zombie na nalikha nila mommy noon.

One year din nilang ni-reformulate ang antidote. Oo meron na silang formula kaso wala pang actual na product kaya kailangan pa nilang gumawa.

Nagkaron ng ilang error sa antidote kasi two weeks lang pala ‘yon effective tapos balik na naman sila sa pagiging zombies.

Nagkagulo non sa lab kasi nakatakas ‘yong human experiment. Pinagkakagat niya ang ilang scientists na kasama nila mommy kaya ayon gahol sila sa manpower.

Kaya ginugol ulit nila ang natitira pang taon para ma-perfect ang antidote. Kailangan pala ng tatlong shot ng antidote tapos dalawang booster. Every three months ang pagitan ng bawat shot kaya kailangan talaga pakisamahan ang panahon.

At ngayon, maayos na ang Aregdon. Nagamot na ang mga natamaan ng zmb virus.

Ang kaso…hindi na kinaya ng powers nila mommy at daddy na i-revive ‘yong mga namatay na zombie including…Arman at Dylan.

Pati ‘yong mga napatay naming zombie hindi na na-revive kaya kahit na-perfect nila ‘yong antidote, ‘yong iba sa mga taga-Aregdon hindi nawawala ang matatalim na tingin at galit samin.

At okay lang ‘yon, naiintindihan ko. Nag-public apology na kami sa lahat ng biktima. Lalo na ng mga zombies na pinasabog namin sa mga mall. Pero galit pa rin sila samin. Hindi ko naman sila masisisi kasi hindi naman maibabalik ng sorry namin ang buhay ng mga mahal nila sa buhay.

Nandito ako ngayon sa sementeryo, sa puntod nila Dylan at Arman. Kasama ko sina Jimmy, Monic at Hubert. Si Daphne kasi kahit gustuhin man naming ipasyal hindi pwede kasi two weeks nang sumasakit ang ulo niya.

Umupo ako sa damuhan at hinawakan ang puntod ni Arman. Ano ba ‘yan naiiyak na naman ako.

“Miss na kita,” umpisa ko. “Sorry ha? Hindi ka na namin na-revive. Kung sanang hindi ka ginilitan ng leeg ni sir Thomas.” Tumulo ang mga luha ko.

Niyakap naman ako ni Hubert at hinagod ang likod. “Shh~ tahan na. Hindi matutuwa si Arman kapag nakita kang nagkakaganiyan.”

“Hindi ko lang kasi maiwasang hindi malungkot. Kahit matagal na tayong nakaligtas sa outbreak. ‘Yong sugat,” tinuro ko ang puso ko. “Nandito pa rin.”

“Mas Malala pa pala ‘to sa break up,” ani Jimmy saka naupo rin sa tabi ko.

“Let’s move on. I know Arman and Dylan are watching us from above.”

Umalis na rin kami pagkatapos namin bumisita sa sementeryo. Lahat pala kami nakatira na rito sa farm. Maayos na ang buhay namin. At paminsan ay dumadalaw pa rin sa Aregdon.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon