Chapter 40: Game

28 1 0
                                    

“Aww~” daing niya. Sir Thomas…pati ba naman anak mo?

"Ganoon ba lagi ang ginagawa sa'yo kapag nagkakamali ka sa training mo?" Napapikit ako sa inis nang sumagot siya.

"Mas malala pa ron." Mapait siyang ngumiti.

Hinawakan ni Daphne ang kamay kong nakahawak sa pisngi niya.

“H-hindi ka ba galit sakin?” tanong niya at nag-umpisang mamuo ang luha sa mga mata.

“Ang totoo niyan, may tampo ako” Napapikit siya kasabay non ay ang pagpatak ng suno-sunod na luha niya.

Tumalikod siya sakin. “H-hindi naman kita masisisi. You should hate me kasi napakasama kong kaibigan." Napahikbi siya nang banggitin ang huling salita.

Niyakap ko siya mula sa likuran."Pero hindi naman kita matitiis. Salamat, dahil niligtas mo pa rin ako kahit dumating na ang panahon na kailangan mong mamili sa pagitan namin ng mga magulang mo.” Humarap siya sakin kaya hinawakan ko ang mukha niya at pinunasan ang pisngi na punong-puno ng luha.

Buti na lang busy sa paglalaro ng chess sina scar face sa bandang dulo nitong hallway kaya hindi nila kami maririnig.

“Hindi kita masisisi sa mga naging desisyon mo. Pero masaya ako at gusto kong malaman mo na mahal na mahal kita. Hindi iyon magbabago,” sabi ko at patuloy siyang umiyak.

“Patawad sa lahat at mahal na mahal din kita,” sagot niya.

“Gusto ko lang sabihin na lahat ng pinakita at pinaramdam ko sa’yo, lahat ‘yon totoo. Kahit kailan hindi ko pineke ang mga pag-alala, mga tawa at pag-aalaga ko sa’yo.” Kuwento niya saka napayakap sakin.

“Alam ko….ramdam ko,” sabi ko naman saka hinagod ang likod niya at mas lalo naman siyang napaiyak.

“Monic,” tawag niya kay Monic saka siya hinawakan sa kamay.

"If I hurt you in any way, I would like to express my sincerest apology. Mom and dad told me to keep an eye to you at ilayo si Melody sa’yo," pag-amin niya. Napangiti naman si Monic at tinapik ang balikat ni Daphne.

“And if ever I hurt you too in any way, I am sorry. If I blame you, told nasty words and if I offended you in any way, I am sorry," ani Monic. Nagngitian ang dalawa at pagkatapos ay nagyakapan.

“Bestfriends na tayong tatlo, ha?” sabi ko at niyakap sila. Napatawa naman silang lahat.

“Ok then bestfriends,” ani Monic.

“Bestfriends.” Banggit naman ni Daphne saka ulit kami niyakap.

“Anak?” tawag sakin ni mommy kaya napabitiw kami ng yakap nina Monic at Daphne.

“A-anak I’m sorry ngayon lang kami dumating,” aniya saka hinawakan ang mga sugat ko. Tumigil ang kamay niya sa lalamunan ko na merong maliit na butas at natuyong dugo.

“Ginawa niya ba sa’yo ‘to?” tanong niya at tumango naman ako.

"Anong mga ginawa nilang pananakit sayo?" Nagtiim ang panga ni daddy nang makita ang mga pasa ko sa mukha dala ng pananampal ni Y at sa mga braso dahil sa panunulak ng mga tauhan nila gamit ng nguso ng baril.

Mas lalong nagdilim ang awra niya nang makita ang sugat na hiniwa ni Y sa leeg at lalamunan ko

“Don't worry, from now on I’m not gonna let them hurt you again,” ani Mommy saka niyakap ako.

“Salamat po—”

“I told you already, diba? You should call me mommy. Come on I'm dying to hear that wor—”

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon