“Natuto idagdag ang hulaping nan ang mabubuong salita ay natutuhan. Tandaan, ha? Natutuhan hindi natutunan. Dahil ang panlaping ginamit ay han at hindi nan. Maliwanag ba klase?”
“Opo guro.” Masiglang sagot ng mga bata.
Ginawa ko pa ang ilang steps sa lesson plan hanggang sa mag-ring na ang bell.“Ituloy na lang natin ang paksa sa susunod na talakayan,” banggit ko at tumayo naman ang mga mata.
“Salamat binibining Yamaguchi. Paalam,” sabi niya saka maayos at disiplinadong lumabas ng silid.
Two years na ang nakalipas nang mamatay si Daphne. Hanggang ngayon ‘di pa rin ako nakaka-move on. Sinalalay niya ulit ang buhay niya para sakin. At habang buhay ko ‘yong tatanawin na malaking utang na loob.
Isa na akong ganap na guro. Nagtayo sina mommy at daddy ng paaralan malapit dito sa farm.
Si Jimmy ay tumutulong samin sa pamamagitan ng pag-invent ng mga technologies na magagamit namin gaya ng relo na binigay niya sa mga bata nang libre na makaka-detect ng weather at masasabi kung anong signal na.
Kaya kung sakali mang umulan, makapagdadala sila ng mga payong. Saka nasa rules na ng school policy na kapag nag-signal number 2 ay automatic wala na agad pasok.
Tapos itong blackboard na kusang sinusulat kung ano ‘yong mga key point na sinasabi ko during discussion. Ang witty diba? Lahat 'yon inventions ni Jimmy.
Lahat na kami graduate na ngayon. Sabay-sabay kaming nag-review at sabay-sabay rin kaming pumasa. Ako, si Jimmy at Hubert ay mga lisensyadong guro na. Si Monic naman ay isa na ring ganap na nurse. Mas nagfo-focus nga lang si Jimmy sa inventions niya na useful naman para sa'ming lahat.
Mga katutubong aeta ang mga estudyante ko. Nasabi kasi akin ni mommy na karamihan daw sa kanila hindi pumapasok kasi ilang kilometro pa ang lalakarin nila at tatawid pa sila sa ilog bago makarating sa bayan kasi doon lang may paaralan.Unti-unti kong tinutupad ‘yong huling request ni Daphne. Ang magtayo ng Paaralan para sa mga katutubong aeta.
Kasi deserve nilang makapag-aral at nakikita ko na pursigido silang matuto.
Kaya nong birthday ko, bumili sila mommy at dadyy ng malawak na lupa at tinayuan ito ng paaralan.Masayang-masaya ako kasi nakatutulong ako sa iba sa pamamagitan ng pagtuturo.
Sina Dylania at Armana meron ng mga anak. Tapos alam niyo ba ginawan sila ng room ni dad sa bahay kaya naman masayang-masaya ako. Nagsi-save kami ng mga stray dogs and cats sa mga kalye. Kasi kahit hayop sila meron din silang karapatang magkaroon ng maayos na msisilungan at makakain araw-araw.
Gaya nga ng sabi ni Hubert, meron ding pakiramdam. Hindi sila basta nilikha lang para tumahol at magmeow.
Parehas kaming teacher dito ni Hubert. Siya sa subject na math ako naman sa Filipino. Mula prep hanggang senior high school ang pwede sa paaralang tinayo namin.
At nilalakad pa nila mommy ang papeles para bigyan kami ng permit para hanggang collge pwede na pumasok dito.
Si Monic naman ay nurse na sa paaralang ito. Katulong niya pala ron si Bogart. Oo nurse din si Bogart at nag-migrate na sila dito sa Pilipinas. Magkasama na sila ngayon ni Monic sa clinic.Hindi naman bungal si Bogart at tatlong piraso lang ang buhok. Ang decription na sinabi ni Hubert ay noong mga bata pa lamang sila. Ang totoo niyan gwapo si Bogart. At alam niyo ba nililigawan siya ni Monic. Correct si Monic ang nanliligaw. Kunwari pa siya nong una.
Tapos sina mommy at daddy naman abalang-abala sa negosyo. Pero hindi naman sila nakalilimot umuwi tuwing weekends sa farm para mag-spend ng time kasama ako.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
خيال علميMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...