Chapter 26: A Group That Fights Together Lives Forever

50 2 0
                                    

"Gising!" Rinig ko na ang boses ni Daphne habang kinakalampag ang pinto ng kwarto.

Bugnot na bugnot naman akong bumangon. Niyugyog ko si Hubert dahil kagabi ay nagpumilit siyang tabi kami matutulog.

"Hubert! Gising na," sabi ko at tumayo. Nagpunta ako sa banyo dahil magsisipilyo ako. Nakita ko lang na may hindi pa bukas na toothbrush sa cabinet kaya kinuha ko na.

Pagbalik ko sa higaan ay nakahiga pa rin si Hubert. Kaya naupo ako gilid niya at niyugyog ang balikat niya.

"Hoy gising na nagaalburuto na ang bibig ni Daphne sa baba," sabi ko ngunit hinawakan niya lang ako sa bewang saka hinila pahiga.

"Hubert!" Suway ko ngunit mas siniksik niya pa ang mukha sa leeg ko. Nakaharap kami sa isa't-isa tapos ay yakap-yakap niya ako.

"Five minutes," aniya kaya pinagbigyan ko na.

Hindi nagtagal ay dumilat na ang mga mata niya saka ako hinarap. "Good morning Ding," aniya saka ako hinalikan sa labi nang mabilis.

"Morning," sabi ko rin. Hinawakan ko ang mukha niya saka hinalikan sa labi.

"Aba! Anong petsa na anong gusto niyo, ha? Babangon kayo o kakaladkarin ko pa kayo palabas riyan!" sigaw ni Daphne kaya agad-agad na kaming bumangon at naligo.

Gusto pa nga ni Hubert ay sabay raw kami para mas mabilis. Binato ko nga ng unan kung ano-anong pinagsasabi.

Pagtapos namin maghanda ay bumaba na kami. Naabutan namin si Monic na kalalabas lang ng pinto at nakasimangot habang gulo-gulo pa ang buhok. Nasa harap naman niya si Daphne na naka-cross ang mga braso.

"My God it's so early. You're too loud." Ani Monic at napahikab pa.

"Anong early eh alas otso na ng umaga. Aba huwag mo akong sisimangutan Monic baka hindi kita matantya." Anito saka umalis at naghanda na ng mga gamit.

***

Nandito na kami ngayon sa isa sa mga sikat at pinipilahang mall sa Aregdon. Maraming dugo at parte ng laman sa mga dingding. Marami ring nakakalat na mga parte ng katawan ng zombie sa paligid.

Ang gulo gulo ng paligid tapos ang mga gamit sa mall ay sira-sira na. Total disaster na talaga ang Aregdon.

Nagpunta pala kami dito sa grocery store dahil kumakalam na ang sikmura namin. Wala namang zombie rito ngayon kaya malaya kaming nakakapag-ikot ikot. Haay naalala ko na naman si Arman.

Umiling-iling ako at winaksi ang mga negatibong naiisip. Nanguha kami ngayon ng bigas, de lata saka itlog. Nagnakaw rin kami ng rice cooker na magulong naka-display sa gilid.

Nagpunta kami sa office ng receiving and dispatching unit ng mall dahil dito may saksakan. Sinaksak na namin ang rice cooker at hinintay maluto ang bigas.

Masikip itong office at nakaupo kami sa sahig. Mabuti at may koryente pa rito kaya kahit papaano ay nakakapagluto kami.

"I'm so hungry," ani Monic pagtapos tumunog ng tiyan niya.

"Kami ba hindi?" Nag-irapan lang sila ni Daphne.

"Guys tignan niyo 'to," ani Jimmy kaya mas lumapit kami sa kaniya. Pinakita niya sa amin ang cellphone niya at mayroong isang video.

"HAHAHHAHA! Hello there~Just wanna inform the world that more zombies will come to Aregdon. Save your child Alfred. HAHAHAHAHA!" sabi y na nakamaskara pa rin at boses bata habang tumatawa at palakad-lakad. Last time lang ay boses robot siya ngayon naman ang boses bata.

"My god! I think he's insane."

"Kita niyo na pati anak nong Pricilla at Alfred nadamay na tuloy."

"So wala tayo ngayong magagawa kundi hintayin ang susunod nilang hakbang?"

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon