Chapter 15: He Affirms

63 2 1
                                    

Mga mahihinang hagikgik ang sumalubong sa akin sa umaga. Nang tignan ko si Hubert ay gising na siya at nakangisi siyang nakatitig sa akin.

"Goodmorning," aniya. Napangiti ako nang matamis. Kung ganito ba naman ang sasalubong sa akin sa umaga tiyak na gaganda ag araw ko. Unti-unting naglapit ang mga mukha namin. Handa na kaming halikan ang isa't-isa nang biglang may maubo nang malakas.

"Ahem ahem ahem. Jusmiyo pursanto." Si Daphne!

Nang ibaling ko ang tingin sa kaliwang side ko ay nakangisi si Daphne at nakapamewang. "So kailan pa ito nag-umpisa?" Maangas na tanong niya ngunit may halong pang-aasar. Bumalik na siya sa dati niyang sarili at nagagawa na niya akong tanungin ng ganiyan.

Ngumiti lang kami ni Hubert. At nagsisikuhan kung sino ang sasagot samin.

"Hoy!" Dinuro niya kaming dalawa.

"Ipaliwanag niyo ang nakita ko." Nag-cross ang mga braso niya.

Nagbitiw kami ng yakap ni Hubert sa isa't-isa at napatayo nang wala sa oras.

Lumayo ako nang kaunti pero hinawakan ni Hubert ang kamay ko. Napangiti ako nang palihim. Ang init-init pa ng pisngi ko. Parang may bulate ako sa tiyan at kinikiliti ako.

Napakagat ako sa labi. Paano ba 'to? Hindi ko alam ang sasabihin ko. Para kaming nahuli na may ginagawang milagro kahit wala naman. Paano ako magpapaliwanag.

"Kayo na ba?" tanong niyang muli, nakangisi.

"Hindi pa," sabay naming sagot ni Hubert.

"Hindi pa? Edi nanliligaw ka pa lang, ha Hubert?" Taas kilay niyang tanong.

Napailing naman si Hubert. Natatawa ako sa reaksyon niya. Namumula kasi ang mga tainga at pisngi niya.

"Aba! Kung ganon ay huwag kayong magdikit nang ganiyan. Manligaw ka muna." Dinuro niya si Hubert.

"At saka na kayo magyakap at magdikit nang ganiyan kapag kayo na. Sa ngayon maghiwalay kayong dalawa." At hinila niya ako palayo kay Hubert.

"At ikaw." Dnuro niya ako. "Mag-uusap tayo nang masinsinan," wika niya saka ako hinila papunta sa kwarto.

Nang makarating kami ron ay pinaupo niya ko sa kama at matamang tinignan mula ulo hanggang paa. Napayuko na lang ako sa hiya. Todo tanggi pa naman ako noon na hinding-hindi ako magkakagusto kay Hubert.

Tapos ngayon...teka, may gusto na ko sa kaniya? Sa mga nabuo kong reaksyon hindi pa ba halata ang sagot.

"Ano 'yon, ha?" May pang-aasar ang tono niya, nakangisi.

Napakagat ako sa labi.

"Wala 'yon," wika ko, nagpipigil ng ngiti.

"Hindi pwedeng wala. Meron, ayaw mo lang aminin. May gusto ka na ba sa kaniya?" tanong niya.

Dahan-dahan akong napatango atsaka umiling atsaka tumango ulit.

"In denial ka lang, e," sambit niya. In denial ba ang tawag don?

"Hindi ko alam. Sa tingin ko gusto ko siya pero parang hindi," wika ko.

"Paanong hindi?"

"Kasi naiinis pa rin ako sa kaniya sa lahat ng panti-trip niya sa akin in the past," wika ko.

"Naiisip mo pa rin ba si Arman?" tanong niya. Umiling ako.

"Kinikilig ka pa ba kay Arman? Isipin mong mabuti. Balikan mo 'yong noong sumasayaw kayo, ganon ka pa rin ba kakilig sa kaniya?" tanong niya at nagulat ako sa napagtanto. Dahan-dahan akong umiling.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon