Chapter 11: Traps

67 2 0
                                    

Si Hubert ulit ang nag-drive ng jeep. May mga nasasagasaan kaming matitigas na bagay, it's either part 'yon ng katawan ng zombie o patay na mga hayop. Kawawa naman sila, hindi naman nila 'yon ginusto.

Kailan kaya babalik sa dati ang lahat? Gusto ko na maging normal ulit ang lahat. 'Yong kapag matatapos na ang semester ang daming dadating na paper works at sabay-sabay pa. Pero mas gusto ko na 'yon kaysa naman ganito.

Ilang minuto lang ang nakalipas ay nakarating na kami sa warehouse. Two-storey warehouse at embakan ng mga mga materyales sa paggawa ng bahay gaya ng wire, semento, plywood, pintura etc. Naka-lock ang gate at pinto kaya naman ginamit ko na naman ang pick-locking skill ko.

Pagkatapos ng ilang minuto ay nabuksan ko na rin. Pinasok na rin namin ang jeep sa loob para gagamitin namin sa pagtakas. Mabuti at nagkasya.

Andito na kami sa loob. Magulo ang paligid. Parang dinaanan ng bagyo. Parang taguan ng mga hostage takers ang lugar na ito. Maraming stocks ng mga wire, pako, mga gulong at marami pang iba na pakalat-kalat sa sahig.

"This place seemed hell." Maarteng sambit ni Monic.

"Ang importante meron tayong masisilungan. Saka maayos naman, a?"

May kinuhang tela si Daphne sa sahig. "Pwede 'to gamiting kumot mamaya. Maganda pa diba?" Binuklat niya ang tela at bumungad samin ang nakasusulasok na alikabok.

Uubo-ubo kami kasi sa harap talaga namin niya pinagpag 'yon.

"My God! My skin." Maarteng pinagpagan ni Monic ang sarili.

"Ikaw napakaarte mo."

"It runs in my blood."

"Hindi ka magtatagal sa mundo kung puro ka arte, Monic."

"I have live for two decades and counting just so you know."

"Lalo na ngayong may zombie outbreak. Para sabihin ko sayo hindi ito parang sa mga napapanood nating movie na pwede magpahinga kung kailan natin gusto. Tunay na buhay na ito kaya umayos ka."

Edi ano pa nga, di nag-away na naman sila. Ilang minuto rin silang nagsasagutan. Napagod na siguro sila kaya natahimik na sila.

"Maggagabi na pala," wika ni Jimmy habang nakasilip sa labas.

"What should we do now we have no food and water."

"Eh diba nga kinuha ni Dean Violet ang lahat ng stocks natin. Mabuti nga at hindi niya kinuha ang mga weapon." Pabalang na sagot ni Daphne.

'Yan na naman sila. Hindi ba sila napapagod magsagutan?

"Kesa mag-away kayo, samahan niyo na lang akong dalawa kukuha tayo ng pagkain, gamot at tubig," wika ni Jimmy saka hinanda ang kaniyang weapon.

"Ako na lang ang sasama sayo," ani Hubert.

Hinawakan ni Jimmy ang kaniyang braso. "Huwag na. Dapat may kasama si Melody. Mas maiigi kung maghati tayong dalawa para protektahan ang mga babae. Kaya ako ang poprotekta kay Monic at Daphne tapos ikaw naman ang kay Melody," sagot ni Jimmy.

Kinuha na rin nina Monic at Daphne ang kani-kanilang weapon. Handa na silang umalis nang sumingit ako at nagsalita.

"Bukas na lang kaya gabi na oh delikado na," suhestyon ko.

"Pero gutom na ako saka kailangan mo ng gamot," sabi ni Daphne. "Huwag kang mag-alala, mabilis lang kami. Sampung minuto babalik kami."

Nag-set pa talaga si Daphne ng ten minutes sa cellphone ko para lang makampante ako na babalik sila.

Ilang sandali pa ay gumayak na sila. Kumakaway ako habang pinagmamasdan silang umalis. Ginamit pala nila 'yong jeep kaya wala kaming choice kundi hintayin sila dito.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon