Chapter 34: Underground Lab

33 2 1
                                    

"Everyone! Hail to the beloved daughter of Alfred and Priscilla Yamaguchi, please welcome Melody Delfin."

Nanlalaki ang mga mata ko sa narinig at pagtapos niya magsalita ay bumukas ang malaki at malapad na pinto na kulay gold. Meron itong design na bungo sa harap.

D-daughter?

Pagbukas ng pinto ay merong limang armadong mga lalake ang nagpunta sa likod namin at tinutukan kami kaagad ng nagsisihabaang mga baril.

"Pasok," utos ng isa tapos tinulak sina Jimmy at Hubert gamit ang nguso ng baril. Para silang mga wresler, ang lalaki ng mga katawan. Parang kaya nila kaming sikmuraan gamit ang hinliliit lang nila.

Tinulak ako ng lalakeng kalbo gamit ang nguso ng baril niya nang tutunga-tunganga ako ron. Nang makita iyon ni Hubert ay tinulak niya ang baril ng lalake tapos ay tinago ako sa likod niya.

"Pare babae 'yan 'wag mo namang tratuhin ng ganiyan." Pagkatapos gawin iyon ni Hubert ay sinapak siya ng lalakeng iyon gamit ang baril niya.

"Hubert Waaaaaaaaaaaaaa!" Tili ko nang dumugo ang gilid ng labi niya.

"Hey you frea-!" Susugod na sana si Monic nang bigla siyang sabunutan ng isang lalakeng may scar na pahaba mula sa kaliwang kilay hanggang sa kanang pisngi niya.

"Ouch! Let me go!" Napasigaw si Monic sa sakit nang mas hinigpitan ni scar face ang pagkakasabunot sa kaniya.

"Pare baka naman puwedeng bitawan ang pinsan k-" Bago pa matapos ni Jimmy ang sasabihin niya ay agad siyang sinikmuraan ng isang lalake.

"HOY!" Nang marinig ko ang sigaw ni Daphne ay doon na ako kinabahan. Kilala ko ang tabas ng dila niya at oras na makita niyang sinasaktan ng iba ang mga kaibigan niya ay siguradong makakapagbitaw siya ng salitang hindi kayang lunukin ng aso.

Kaya nang lingunin siya ni scar face ay pinanlisikan siya agad ng mata. Bago pa siya malapitan ay agad akong pumagitna sa kanila at tinago si Daphne sa likod ko. Sa ekapresyon pa lang mga lalakeng ito tiyak ko na hindi na nila nagustuhan ang tono ng pananalita ni Daphne. Kapag nagkataon, hindi lang sampal ang maabot niya.

"A-ako na ho ang humihingi ng pasensya. Puwede ho bang patawarin niyo na ho kami kung meron man kaming nagawa o nasabing hindi maganda. Saan niyo ho ba kami balak dalhin at sasama naman po kami nang matiwasay." Napalunok ako nang balingan ako ni scar face ng tingin.

"Huwag kayong mag-feeling hero kung ayaw niyong dito pa lang ay malagutan na kayo ng hininga," sabi ng isang lalakeng may buhok na patusok sak ako dinuro.

"Akin na ang mga iyan." Turo niya sa mga weapons namin. Tinago ko ang weapon ko sa likod tapos pinatunog niya ang mga daliri niya. Agad akong napalunok nang makitang kumuyom ang mga kamao niya.

Kaya wala na akong nagawa pa kundi ibigay sa kaniya. Napanguso naman ako nang pahablot niyang abutin 'yon sakin.

"Ge, pasok." Tinuro niya ang loob gamit ang baril.

Sila na ba ang mga totoong kontrabida sa buhay ko? Ano ba sila gangster? Mafia? Bakit sa wattpad ang gaguwapo at hot ng mga mafia at gangster? Bakit sila hindi? Mukha silang mga wrestler na malulusog ang mga braso. Tapos sa may bandang paa ay payat na. Para silang trumpo sa totoo lang.

Ang tataas nilang tao. Napapatingala nga ako sa kanila habang nagsasalita sila, e. Sa tignan pa lamang mukhang kaya na nila kaming balibagin sa sahig gamit lang ang hintuturo nila.

Pagpasok namin sa loob maraming nakahelirang mga armadong kalalakihan. Lahat sila may kaniya-kaniyang hawak na mahahabang baril.

Agad silang umayos ng tayo at sabay-sabay nila kaming tinutukan ng baril. Bakit na naman ba sila nanunutok? Ang hilig nila manutok ng baril. Ang init lagi ng ulo nila, 'no? Pansin niyo?

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon