"Oh, bakit ganiyan hitsura mo?"
Nakaturo ang hintuturo ni Hubert sa mismong mukha ko. Umagang-umaga pagkabangon niya ay tatawa-tawa siyang lumapit sa akin. Nakatingin lang ako sa kaniya nang masama at naka-cross pa ang mga braso ko.
Nang hindi ako sumagot ay pinindot-pindot niya ang namumula kong pimple sa noo. Hinampas ko nga iyong kamay niya. Umagang-umaga nang-iinis.
"Uso matulog, ha? Try mo minsan," panunudyo niya pa. Inirapan ko siya nang ilang ulit.
Gusto ko siyang bigwasan. Hindi niya ba alam na hindi ako nakatulog dahil sa kaniya. Kung ano-anong mga pinagsasabi niya kagabi.
"Well, dahil maganda ang gising ko ngayon, hindi kita aasarin. Pangako 'yan hmnn?" Hinawakan niya ang mukha ko saka pinisil ang mga pisngi ko.
"Ano ba!" Nakangiti pa talaga siya at kitang-kita ko ang mapuputi niyang ngipin. Tapos nang ngumiti siya nangingiti rin ang mga mata niya.
And guess what? "O eto para mapanatag ka na hindi kita guguluhin ngayong araw halika at mag-pinky swear tayo." Sapilitan niyang kinuha ang kamay ko saka kami nag-pinky swear.
Sign daw na hinding-hindi niya ako aasarin sa araw na 'to. Pakanta-kanta pa siya habang paalis sa harap ko.
"Lalalalalala~ life is so good~" Sinundan siya ng tingin ni Jimmy.
"Hindi pa naman infected si Hubert diba?" tanong niya sakin at nakasimangot akong tumango.
"Natulog ka ba?" Kunot-noong tanong niya nang makita ang mukha ko. Napatango ako nang dahan-dahan kahit na ang totoo ay hindi naman talaga ako nakatulog.
"Napakalaki ng eyebags mo," komento niya pa. Kasalanan 'to ng pinsan mo!
Nang tignan ko ang sarili sa screen ng cellphone ay nanlaki ang mata ko. Ang laki nga ng eyebags ko. May tatlo akong pimple sa noo at sa pinakagitna pa!
Hayop ka talaga Hubert. Kasalanan mo 'to.
"O siya! Lumabas na tayo at maghahanap pa tayo ng masasakyan kung meron." Sa sinabing iyon ni sir Thomas ay nag-ayos na kami ng mga gamit.
Antok na antok pa rin ako. Gusto kong matulog. Pero hindi naman ako pwedeng mag-inarte dahil malayo pa ang pupuntahan namin. Iika-ika pa rin ako maglakad at humihikab-hikab. Masakit pa rin kasi 'yong sugat sa tuhod ko.
Nakalugay ang mahaba kong buhok. Wala ako sa mood mag-ipit dahil nababadtrip talaga ako. Gusto ko ng bumalik sa normal ang lahat. Iyong walang zombies. Kung ano-ano pang sinasabi ni Hubert kagabi. Ni hindi tuloy ako nakatulog kahit thirty minutes man lang
Hinatak ako ni Jimmy dahil ang layo na pala ng mga kasama namin. "Ano ka ba! Dalian mo nga."
"Para kang lantang gulay, e." Naka-half close ang mga mata ko.
Hinatak niya ang kamay ko mula kay Daphne hanggang sa pwesto ni sir Thomas saka ako hinila-hila. Napasabay tuloy ako sa takbo niya. Hayop na 'to. Hindi nga ako inasar ni Hubert, siya naman ang sumunod.
"Ano, antok pa?" tanong niya. Nakangisi kaya kitang-kita ang maliit niyang biloy.
Nag-middle finger lang ako sa kaniya. Wala pa akong energy para makipag-asaran. Inaantok talaga ako.
***
Nandito na kami ngayon sa bilihan ng mga karne at isda. Basa ang sahig kaya dahan-dahan kami sa paglakad. Ilang beses na nga akong nadulas mabuti nakakapit ako kay Daphne.
Si sir Thomas ay nangunguna at taga-look out kung may mga zombie ba kaming makasasalubong. Si Monic naman ay 'shooo' nang 'shooo' sa mga langaw na dumadapo sa kaniya.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Fiksi IlmiahMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...