Chapter 23: Sweetness Overfill

45 1 0
                                    

Nandito kami sa kusina at kumakain. Ang niluto nila ngayon ay champorado na ready mix na.

"Is this edible?" Nakatirik ang hinliliit ni Monic habang kinakayod ang champorado sa mangkok. Lahat kami tumingin sa kaniya nang nagtataka.

"Oo naman, hindi ka pa ba nakatikim niyan?" Agad naman siyang napailing.

"No, I haven't eaten... what do you call this again? Ahh, champorado."

"Ignorante." Rinig kong sagot ni Daphne. Bulong lang 'yon pero sinigurado niyang maririnig ni Monic.

"Hey, I heard you." Isusubo na sana ni Daphne ang champorado nang bigla iyong sabihin ni Monic.

Pabagsak na binaba ni Daphne ang kutsara.

"Nakakaawa ka, Monic. Kami ngang mahihirap nakatitikim ng champorado tapos ikaw na mayaman never pang nakatikim. Sa sobrang yaman mo yata ay hindi mo na ma-afford ang mga simpleng pagkain. Ano bang mga kinakain mo nong bata ka, ginto o dyamante?"

"You're exaggerating things."

"Huwag mo kasing paiiralin 'yang kaartehan mo dahil kapag 'di kita natantya ingungodngod na kita sa sahig."

"O, nag-aaway na naman kayo. Awat na at nasa harap tayo ng hapag." Awat ni Jimmy na ikinatahimik naman ng dalawa at nagsimula nang kumain.

Pagtapos non ay nagkaron ng saglit na katahimikan. Tanging tunog lang ng kutsara sa mangkok ang maririnig at ang pagpatak ng ulan sa labas.

"So...ano na ang plano?" Tanong ko pagtapos sumubo ng champorado.

"Sa totoo lang ay nahirapan ako nang magkahiwa-hiwalay tayo." Napatango ako sa sinabi ni Daphne.

"Hindi ako makatulog sa pag-aalala kung ligtas pa ba kayo. Kung sakaling magkahiwa-hiwalay uli tayo, kailangan meron tayong code kung saan mano-notify tayo kung saan na tayo nagpunta," aniya.

"Ha?" takang sabi namin.

"Halimbawa, magkasama kami ni Jimmy tapos kayong tatlo nila Hubert at Monic ang magkakasama. Kapag nakakita tayo ng kahit anong pwedeng pagsulatan, kunwari pader, isusulat natin ang arrow kung saan tayo papunta tapos isusulat natin ang c2 na nangangahulugang kompleto pa kaming dalawa ni Jimmy at isusulat niyo naman ang c3 kung kompleto pa kayong tatlo nila Monic at Hubert. Na-gets niyo ba? Sorry ah ang gulo."

"Oo gets ko naman."

"Hindi pa naman ganon kababaw ang comprehension ko kaya na-gets ko,"

"Pero sana hindi na tayo magkahiwa-hiwalay. Ang hirap sa totoo lang."

"May violent reaction ka ba, Monic?" napapairap na tanong ni Daphne.

Nag-hair flip naman itong isa saka inirapan ang bestfriend ko bago sumagot, "None." Simpleng aniya.

"Mamaya manisi ka na naman, a." Anito bago inayos ang mga plato at dinala sa lababo.

"Whatever. Anyway, isn't it too odd?"

"Odd?" tanong ko.

"That Y thing. I think he's scary and he's capable of doing you-know inappropriate things," sagot niya.

"Nagawa nga niyang gumawa ng outbreak, e." sabi ni Jimmy saka tinulungan si Daphne na dalhin ang mga plato sa lababo.

"May rason naman siguro siya." Pinupunasan ni Hubert ang lamesa habang nagsasalita.

"He is not aware of how chaotic the entire province now, isn't he?" ani Monic saka tumayo nang naka-cross ang mga braso.

"Madadaan naman siguro sa maayos na pakiusapan kung ang hinahanap niya ay ang code lang." ani Jimmy na ikinakibit balikat ko.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon