Chapter 38: Disguised

36 1 0
                                    

Habang papalayo siya samin ay hindi ko mapigilan ang paghikbi. Habang ang mga kasama ko ay napapairap sa kawalan o 'di kaya'y sinisimangutan siya.

“Tsk, hindi ka kawalan!” Sigaw ni Jimmy bago pa makalayo si Daphne.

Hindi naman siya nilingon ni bestfriend ngunit tinaas niya ang kanang kamay at nag-middle finger sa ere. Mabuti at wala ang mga bantay namin dito kung hindi ay baka pinagbabaril na kami sa ingay namin.

"Bitch!" Matinis na sigaw ni Monic at winagayway lang ni Daphne ang kamay na naka-mid finger sa ere.

Hindi rin pala nakalimutang i-lock ni Daphne ang selda. Akala ko pa naman hindi na niya ila-lock at tutulungan kaming makatakas.

“She is diabolical,” komento naman ni Monic. Diabo—ano? Hay dibale na nga. Parang biglang umusog luha ko pabalik sa mga choice of words ni Monic.

Sisinghot-singhot ko namang binuksan ang make up set. Kompleto ito kahit matagal ko na itong niregalo sa kaniya. Merong make up blender, brushes, mga eyeshadow palette, concealer at marami pang iba.

Nang buksan ko ito ay napakunot ang noo ko. “Eh?”

“Bakit?”

“Is there a problem?”

"Ahhh, alam ko na! Kulang ang binigay niya. Ang Daphne na iyon magsasauli na nga lang ay kulang pa." Umiling ako sa turan ni Jimmy.

“Hindi ito ‘yong laman ng binigay ko sa kaniya,” sabi ko habang hinahawak-hawakan ang laman ng box.

Itong box kasi na ito kapag binuksan mo ay parang mahahati sa dalawa tapos merong salamin sa gitna.  Tapos maraming mga make up products na nakaipit sa mga compartment.

Sa gilid ng salamin merong nakaipit na—eh? Papel?

“Look may paper." Kinuha iyon ni Monic at binuklat.

Tinignan ko ang bawat paggalaw ng mata niya habang binabasa ang papel. Wala pang limang segundo nang hawakan niya ang papel ay agad nang nangunot ang noo niya.

"What the heck is this nonsense?" Maarteng ani Monic habang tirik ang hinliliit na hawak ang papel.

Ito 'yong nasa sulat. How I wish hindi ko na lang binasa. It really pained me.

Everything that we had
Save my soul from your demon
Crying no more
And don't ever come back
Petty friendship
End what has been built

Pinunasan ni Hubert ang mga luha ko.

"Tahan na," aniya. "Iwan ka man nng lahat pero ako mananatili sa tabi mo hanggang sa susunod na habang buhay."

Ano kayang ginawa ko sa past life ko at meron akong kagaya ni Hubert. Na handang punan ang pagkukulang sa buhay ko.

Siguro niligtas ko ang madlang pipol noon. Siguro kabilang ako sa grupo ng power rangers at isa ako sa tagapagligtas ng kalawakan. Para ibigay sakin lahat ng natatamas kong pagmamahal mula kay Hubert.

"Huwag mo na munang isipin si Daphne. 'Yong tungkol sa sulat at mga sinabi niya sa'yo. Sobra-sobrang sakit na ang dinulot niya at ng mga magulang niya sa'yo kaya huwag mong hahayaan na wasakin nila ang emosyon mo." Nakatayo kami sa gitna at pinagdikit niya ang mga noo namin.

Nginitian niya ako kaya ngumiti rin ako. "I love you mahal." Matamis na aniya saka pinagdikit ang mga ilong namin.

"I love yo--"

“Oh My god!” Saktong lalapit na ang mukha namin ni Hubert sa isa't-isa nang biglang sumigaw si Monic saka maarteng dumaan sa pagitan namin ng kapatid niya habang hawak pa rin ang papel at titig na titig doon.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon