Chapter 35: Who is Melody Delfin?

35 1 0
                                    

Napapikit ako at inalala kung saan ko iyon nakita. Naglaro sa isipan ko ang mga senaryong iyon.

May kamay na humila sakin palayo sa entrance ng gate at kamay na nagtulak sakin palabas ng bahay para hindi ako makagat ng zombies.

Pagdilat ng mga mata ko ay nanlalaki ang mga ito nang sa wakas ay maisip kung saan ko iyon nakita. Kasabay niyon ay ang pagkalas ni Y sa maskarang suot niya.

“S-si...Sir T-thomas." Tumulo ang malulusog na luha sa mga mata.

Unti-unti akong nanlambot. Parang may pumana ng lason sa gitna ng puso ko at biglang kumalat ang lason na iyon sa buong sistema ko.

Nakatitig lamang ang mga mata kong punong-puno ng luha sa kaniya, sa taong inakala kong kakampi ko. Nanginginig ang mga labi ko. Naglalaro sa isipan ko ang iba’t-ibang senaryo. P-paano…paano niya ako nagawang paglaruan nang ganon?

Sapat na ang mga ngising binibigay niya para ikompirma lahat ng tumatakbong ideya sa isip ko.

“It’s finally nice to meet you face to face…again.” Walang nagsalita samin ng mga kaibigan ko maski isa.

Kahit di ko tignan alam kong nanginginig ang mga kalamnan nila sa galit, sa sakit, sa pagdadamdam.

“And the brain behind the chaos, yours truly,” ani sir Thomas at nakangising yumuko na tila isang karangalan na ipakilala niya ang sarili samin.

Nakatitig lang ako sa kaniya, sinusundan ang bawat galaw niya. Kinokumbinsi ang sarili na sana isang masamang panaginip lang ang lahat.

Napalunok ako nang tinignan niya ako nang diretso sa mga mata. At mas lalo akong nanlumo nang ngumisi siya nang mala-demonyo.

H-hindi ko kailanman matatanggap. Hindi! Hindi siya si Y. Mabait na tao si sir Thomas at maski lamok hindi niya kayang pagbuhatan ng kamay.

“Ikaw? Hayop ka!” Galit na sigaw ni Jimmy saka dinuro si sir Thomas. Mukhang siya ang unang nakabawi sa pagkagulat. Agad naman siyang pinigilan ni Hubert.

“H-how…” Pumiyok si Monic. “How could you?!"

“Sa dinadami ng tao bakit ikaw pa?” Nanginginig ang kamay ni Hubert na dinuro si sir Thomas.

Dinaluhan naman siya ni Monic at pinigilan dahil muntik na niyang masuntok si sir Thomas. "Don't lay a finger on him. His skin has poison that could toxify your system. You could be end up being like him, a heartless monster."

Hindi nagsalita si Y pero ngumisi siya. Akmang sasabunutan ni Violet si Monic pero pinigilan siya ni Y. "Let's not suppress their outburst. Come on kiddos, throw your hates on me."

“S-sir Thomas…Nag-jo-joke ka lang naman diba?” Napahikbi si Daphne pagkatapos magsalita. Nginisian lang siya nito. At hanggang ang ngisi niya ay naging halakhak. Umalingawngaw ang boses niya sa buong silid.

Nagtagal din ng ilang segundo ang paghalakhak niya. Saang parte sa sinabi ni Daphne ang nakakatawa? Tumigil siya sa ginagawa saka tinignan kami isa-isa.

"It was a nice game, isn't it?" Umiling-iling ako. Hindi ko na siya makilala. Malayong-malayo na siya sa sir Thomas na kakilala ko.

Kahit saang anggulo tignan sobrang magkaibang-magkaiba sila. Hindi naman ganito ang awra ni sir Thomas. Maski langaw hindi niya magawang patayin. Pero ang kaharap ko ngayon, kahit uugod-ugod na matanda kaya niyang wakasan ng buhay nang walang mababakas na awa sa kaniya.

"Hindi naman ikaw si Y. Panaginip lang naman ito, diba sir Thomas? Hindi naman ikaw talaga si Y, diba?" Napahikbi ako.

“Tell me, did I cause you pain? Did I break your heart? Did you feel betrayed? Well, that was my plan all along.”

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon