Chapter 43: Rainbow After The Rain

31 1 0
                                    

"DAPHNE!" sigaw ko at bago pa tumama ang ulo niya sa lupa ay agad ko na itong sinalo. Inihiga ko siya sa hita ko at umagos ang malapot na dugo niya sa lupa.

Nanginginig ang mga kamay ko, sinubukan kong takpan ang butas dulot ng bala sa ulo niya pero patuloy pa rin sa pagtagas ang dugo rito. Nanginginig ang mga labi ko, ang buong sistema ko.

"T-thomas! B-bakit...ang anak ko!" Napiyok ang boses ni Violet. Nilapitan niya kami at niyakap ang anak.

"D-daphne...a-anak ko!" sigaw niya habang humahagulgol. "A-anak, a-nak gising..." tinapik niya ang pisngi ni Daphne at dumilat naman ang mga mata niya.

"M-mom." Sinubukan niyang magsalita ngunit may lumabas na dugo sa labi niya. Pagtapos ay napapikit na ang mga mata niya.

"Daphne!" sigaw ni Violet saka niyakap nang mahigpit ang anak habang umiiyak. Pagtapos ay tinapunan niya ako ng masamang tingin. Nilapag niya ang katawan ni Daphne sa lupa at dinuro ako. "Ikaw!"

"Kasalanan mo ang lahat!" sigaw niya sakin,

Hinila ni mommy ang kamay ko at tinago ako sa likod niya. "Ikaw ang may kasalanan Violet. Nag-umpisa lang ang problemang 'to nang lumampas na sa impyerno ang kasamaan niyo ng asawa mo."

"Hindi! Kasalanan ng anak mo ang lahat," tukoy niya sakin. Nilapitan ko siya at hinarap. Hinawakan ko ang kamay niya habang namumuo ang mga luha.

"Huwag na po tayong magsisihan. Tumawag na po tayo ng ambulansya baka mapano pa po si Daph-" Tinulak niya ako kaya napaupo ako sa sahig.

"Kung hindi ka niyakap ng anak ko ay hindi siya ang mababaril. Para sa'yo ang balang 'yon! Pinahamak mo ang anak ko," hinugot niya ang baril at tinutok sakin.

BANG!

Napapikit ako at naramdaman ang makikisig na braso na yumakap sa bewang ko. Pagmulat ng mga mata ko ay si Hubert, nakayakap sakin.

"H-hubert..." Mahinang tawag ko saka niyugyog siya sa balikat. Bago pa siya mitumba sa lupa ay sinalo ko na ang katawan niya.

S-siya ang...nabaril?

Nanghihina ang buong katawan ko. Hindi ko maatim tignan ang sinapit nila dahil gusto nila akong protektahan.

Mahina siyang ngumiti. "M-mahal." Pagkasabi niya non ay may lumabas na dugo sa labi niya.

"Hubert." Lumapit sina Jimmy at Monic. Naluluha sila at nanginginig din ang buong katawan. "H-hubert...hey, still alive?" Hindi na gumalaw pa ang boyfriend ko.

"Hubert!" Sigaw ko at niyakap ang katawan niya na nakalumpisay sa lupa.

"Mga hayop kayo!" Iyak ko at napahikbi pa.

"You deserve it, bitch!" sigaw ni Y sa'kin at patuloy lang akong umiiyak.

Nanginginig ang kamay kong hinawakan ang dumudugong sikmura ni Hubert pero patuloy pa rin sa pag-agos ng dugo ang tama niya. Kung bakit ba naman kasi anong pumasok sa isip niya at nagawa niyang isangga ang sarili para sa buhay ko?

Tiunutukan ni Y ng baril ang sintido ko. Tinutukan din ng mga tauhan niya ang mga kasama ko. In short, hindi na kami makapapalag.

"Y! Dahil sa pagkaganid mo pati anak mo ay nadamay na. Gumising ka na sa katotohanan. Tama na utang na loob." Nakikiusap na tinig ni mommy pero mas pinagkadiinan ni Y ang pagkakatutok ng baril sa sintido.

"Sinabi ko naman kasing ibigay niyo na ang code."

"Wala na ang code nakalimutan ko na." Nabaling ang pagkakatutok ng baril kay daddy.

"Sa tingin mong ganon ang katanga para maniwala sa sinasabi mo, Alfred?" Agad pumagitna si Monic sa kanila saka tinabig ang kamay ni Y.

Akmang sasampalin siya ni Y nang magsalita si Monic. "Daphne's still alive." Natigil sa ere ang kamay niya.

"But if you choose your greediness over her life, she might die anytime soon."

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon