Halos kailan lang nang masaya pa kaming nangunguha ng guyabano sa mini forest ng school. Halos kailan lang nang masaya kaming naglalaro ng uno. Halos kailan lang nang masaya kaming sumasayaw sa acquaintance party.Kailan lang nang kinakabahan ako kasi baka may kapalit na maraming requirements ang pagiging masaya namin. Ang bilis ng araw. Ganon din kabilis nasira ang buhay ng mga tao dahil sa ZMB virus.
Sana matapos na ito. Sana matapos na ang paghihirap namin.
Pagod na akong lumaban. Pagod na akong magtago. Pagod na akong makipaglaban para mabuhay. Sino kaya ang nasa likod ng outbreak na ito? Nakatutulog ba siya nang mahimbing sa gabi? Nakakakain kaya siya nang matiwasay? Masarap kaya ulam niya?
"Ang lalim naman ng iniisip mo." Naupo si Jimmy sa malaking bato na nasa tabi ko. Andito ako sa labas at nagpapahangin.
"Iniisip ko lang ang nangyayari ngayon. Mas gusto ko na lang ng maraming requirements at reports kaysa ganito." Nagpunas ako ng luha at ramdam kong napatingin siya sa'kin.
"Huwag ka nang umiyak matatapos din ito. Kapag nakapunta tayo sa Santa Lucita ligtas na tayo. Malapit na tayo roon ano ka ba? Smile ka na. Tignan mo nga, oh ang kulimlim na naman nakikisabay sa drama mo," aniya at inabutan ako ng tissue.
"Hindi naman ako nagda-drama."
Suminga ako sa tissue. Ang init ng lumalabas sa bibig ko saka mainit din ang singaw ng mata ko.
Naidikit ni Jimmy ang balat niya sa akin at naramdamang mainit ako. "Ang init mo, ah." Kinapa niya ang noo ko. "Nilalagnat ka."
Binuhat niya ako, piggy back papunta sa kwarto sa second floor. "Nilalagnat ako hindi ako pilay."
"Shhh! Nilalagnat ka na ang daldal mo pa."
Inihiga niya ako sa kama. "Dahil ito sa ulan at init ng araw. Naulanan kasi tayo tapos biglang titirik ang sikat ng araw."
"Huwag ka mag-alala okay lang ako."
Tumango-tango siya. "Hubert! Halika rito!"
Inutusan niya si Hubert na bantayan ako dahil maghahanap si Jimmy at Dean Violet ng makakain at herbal medicines. Sanay na akong uminom ng mga ganon dahil iyon ang pinapainom ni inay sa tuwing may sakit ako.
Nakahiga ako sa kama habang si Hubert ay naka-cross ang hita at braso saka nakatitig sa akin.
"Tinitingin-tingin mo, ha?" Inirapan ko siya.
"Karma mo na 'yan sa lahat ng pang-aasar mo sa akin," wika niya habang inaayos ang bimpo sa noo ko.
"Ako? Eh, ikaw nga lagi ang nag-uumpisa ng asaran."
"Anong ako?"
"Eh, ikaw naman talaga. Kumbaga ako anghel ikaw naman demonyo. Kita mo nilalagnat na ako lahat-lahat ganiyan ka pa rin."
"Kahit nilalagnat ka ang tabil pa rin ng bibig mo."
"Oh! oh! Nag-aasaran na naman kayo. Mamaya talaga kayo kasalan ang tuloy niyan." Dumating na si Jimmy. Haaay, sa wakas naman at dumating na siya. Sawang-sawa na kasi ako sa tabas ng mukha ni Hubert.
"Hindi, 'no! May Monic na kaya siya." Humiga ako sa kabilang side ng kama.
"Uyyy...nagseselos," wika ni Jimmy saka sinundot ang tagiliran ko.
Nilapag niya ang pinakuluang lasona sa maliit na lamesang nasa tabi ko. Mabisa raw itong gamot sa ubo.
"Ang lala pa naman ng ubo mo. Heto inumin mo ito. Ubusin mo 'yan. Pag naubos mo pupunta tayo sa Jollibee." Pang-uuto niya saka ako inalalayan maupo
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...