Chapter 32: Simple Yet Productive

39 3 0
                                    

Natapos na kami sa paghihiwalay ng bigas sa balat niyo kaya naman ngayon ay dine-demo ko sa kanila kung hihipan ang balat ng bigas para matira ang mismong bigas sa bilao. Mabuti nga at may mga bilao rito kaya naman bentahe iyon para samin.

“This is so hard.” Reklamo ni Monic habang tirik ang hinliliit na hawak ang isang maliit na bilao.

“Hawakan mo kasing mabuti. Ganto, o.” Turo ko saka pinakita sa kaniya ang tamang paghawak ng bilao.

“Huwag mo kasing itirik ‘yang pinky finger mo,” sabi ko at sinunod naman niya ako.

“Ayan, ganiyan. Tapos itaas mo ang bilao tapos i-catch mo ‘yong mga bigas gamit ang bilao.”

“No, baka matapon. Pagagalitan ako ni Daphne.”

“Hindi ‘yan. Ganito panoorin mo, ha," sabi ko at inindayog pataas ang bilao at bihasang-bihasa na sinalo ang mga bigas. Nalipad ng hangin ang mga balat ng bigas.

“Wow! Amazing.” Mangha niyang sabi saka ginaya ako kaso kongti lang naalis na balat ng bigas tapos munti niya pang matapon.

“Hoy! Magdahan-dahan ka naman,” ani Daphne atsaka siya naman ang sumubok akso gay ani Monic ay muntin a rin niyang matapon ang mga bigas.

“See? You can’t even do it.”

“E, ang hirap kaya!”

“O, wag na kayong mag-away. Gawin niyo na lang. Sa umpisa mahirap talaga.” Ilang minuto pa kaming nagbangayan at nagturuan doon bago nila na-practice.

“Tapos na kayo?” tanong ni Jimmy pagtapos ko ilagay ang mga bilao sa lamesa. Nasa terrace ito at may kinakalikot sa laptop. Pati tuloy si Hubert nautusan niyang magkakalikot din sa isa pang laptop.

“Oo pwede na itong isaing,” sabi ko.

“At last!” Sigaw ni Monic at napasalampak sa upuan na gawa sa kawayan.

“Anong at last? Samahan niyo akong dalawa ni Daphne at mangunguha tayo ng mga isda at buko," anito at inayos isa-isa ang mga laptop at connector.

“Why me? I’m tired.” Maarteng aniya.

“Umiiral na naman kasi ang kaartehan moong babae ka e,” ani Daphne.

“Ay wag mo kong daanin sa ganiyan.” sabi Jimmy saka hinila ang kamay ni Monic at pilit tinayo.

"Just gonna get my weapons."

"Huwag na. Nagkaron na ko ng access sa area at walang pang zombie rito." Kaya pala hinayaan niya lang kami sa ginagawa namin kanina dahil walang banta ng zombie.

"But why me? Can't you invite Hubert instead?"

“Mas maganda kung kayong dalawa ang kasama ko. Para may kasama naman si Melody na lalake. Dito na kayo lovers, ha at maghahanap kami ng maiinom at ulam natin.” Umangal pa si Monic kaso hinila na siya nina Jimmy at Daphne.

Pinagmasdan ko sila habang umaalis. Sinubukan pang bumalik ni Monic dito pero hinila ulit siya ni Jimmy at Daphne kaya wala na rin siyang nagawa kundi sumama.

Lumabas na nga pala ako at sumama naman si Hubert. Matindi ang sikat ng araw ngayon pero presko naman ang simoy ng hangin kaya okay lang na nasal abas ako.

Nagpunta ako sa garden nitong kubo at may mga nakita akong talong, pechay at kamatis kaya naman nanguha ako. Nakita ko kasing may bagoong don kanina kaya naman pwedeng-pwede ‘tong pang-ulam.

“Pechay at talong." Pagtingin ko kay Hubert ay nakangisi siya nang nakakaloko.

“Ano na naman bang nasa isip mo, ha.” Binato ko nga siya ng kamatis.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon