Nagising ako na mas lalong sumama ang pakiramdam. Mas pinalakas pa ang ulan at ihip ng hangin. Mabuti na lang wala ng kulog at kidlat.
Nanginginig pa rin ako sa lamig kaya naman dinoble ni Hubert ang sweater ko. Saka nilagyan niya rin ako ng medyas. Ano ba namang kamalasan ito. May zombie outbreak na nga tapos nilalagnat pa ako.
Di naman ako nanginginig sa lamig kagabi bakit ngayong paggising ko nilalamig na ako?
Malamang may kayakap ako kagabi
Oh My God! Nakaiinis laging nananalo ang mga ganiyang thought sa isip ko.
Nanguha pala ng mga pagkain sina Hubert at Jimmy sa labas kahit malakas ang ulan sumugod pa rin sila. Sabi nila may grocery store daw malapit dito kaya nanguha sila ng mga kanin, ulam saka gamot at mga prutas.
Nanguha sila ng marami para daw stock namin dito habang hindi pa umaalis ang bagyo sa PAR. Nanguha na rin sila ng gamot para sa ubo at lagnat ko. Nang makarating sila ay agad ko silang inabutan ng tuwalya.
Pinanonood ko kung paano magpunas ng basa si Hubert sa katawan.
"Oh, tinitingin-tingin mo?" Bumalik na naman si Hubert sa pagsusungit niya.
Samantalang ang sweet sweet nga niya kagabi. Naka-topless siya ngayon at kitang-kita ko kung paano nagfe-flex ang mga muscle niya sa likod.
Tapos, sinuot niya ang jacket at lumapit sa akin. Napapunas naman ako sa labi ko, may tumulong laway.
Kinapa niya ang noo ko at napangiwi siya. "Ang taas pa rin ng lagnat mo. Bakit ka ba naman kasi nagpaulan kagabi? Pwede mo naman akong tawagin at ako na ang papatay sa mga zombie. Gusto mo bang itali na lang kita rito para hindi ka makulit, ha?"
Napanguso ako saka napailing ng tatlong magkasunod na beses. Ang sungit na naman niya. Siguro may dalaw na naman siya kaya siya ganiyan.
"Oh, siya kakain na tayo. Kumain ka nang marami para gumaling ka dahil kung hindi ipapain kita sa mga zombie," wika niya saka naunang magpunta sa kusina.
Ang pagkain na nakahain sa lamesa ay ground beef with broccoli at kanin saka meron ding salmon na request ni Monic. Pero ito ay iyong mga nire-reheat lang sa microwave kaso walang microwave rito kaya naman sa kawali lang namin pinainit.
Mayroon din palang guyabano at gatas.
"Kinuhanan na kita para lumakas ka. Tignan mo nga 'yang katawan mo. Ang payat-payat mo. Para kang kalansay," ani Hubert saka ako pinagsalin ng gatas sa baso.
Nagpalipat-lipat naman ang tingin saamin ni Daphne saka ako siniko. Nagkibit-balikat lang ako at mainit ang pisngi na napayuko.
Nagpasalamat muna kami sa Maykapal bago kumain kahit galing sa nakaw ang kinakain namin. Naalala ko na naman 'yong guyabano. Halos kailan lang nang nagunguha kami ng guyabano sa school.
Sana bumalik na lang sa dati ang lahat. 'Yong wala kaming pinoproblema kundi mga maraming paper works. Mas gusto ko pa 'yon kaysa ganitong may zombie outbreak. Hindi ko alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay. Siguro zombie na ngayon si sir Thomas. Sana hindi ko siya makasalamuha kasi hindi ko siya kayang saktan.
Gutom na gutom ako kaya nakain ko 'yong isang buong gubayano. Mabuti na lang may mga pagkain silang nahanap. Pinainom na rin nila ako ng gamot. Mabuti na lang hindi na malala ang ubo ko.
Ang mahalaga gumaling ako agad bago makaalis ang bagyo sa PAR para makaalis na rin kami dito at makahanap ng mas ligtas na lugar.
Ginamot nga pala ni Monic ang mga sugat ko kasi nasugatan ako kagabi sa pakikipaglaban sa mga zombie. Ang bibilis naman kasi nila kumilos saka ang aggressive nila. Once na makapitan ka nila sobrang hirap alisin.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...