Chapter 24: Boom

42 1 0
                                    

Tinakpan niya ang bibig ko at dinala sa masukal at madamong abandonadong lote. Nakakalat ang mga bale-baleng bob wire kaya ingat na ingat ako sa pag-atras. At ang nakakainis pa, hindi ko siya makita!

Nagpumiglas ako pero na-realize ko na may mga zombie na paparating kaya nagpatangay ako sa kung sino man ang taong ito. Naupo kami at nagtago sa masukal na damo.

"Sino ka ba?" Mahinang sabi ko at pagharap ko sa kaniya ay si Jimmy pala.

"Jimmy." Natutuwang sabi ko at nagsumiksik pa sa kaniya.

"SHHH!" Tinapat niya ang hinlalaki sa labi ko. Agad naman akong napatikom ng bibig at napayuko nang biglang tumigil ang isang zombie sa harap ng pwesto namin.

Agad akong napatakip sa bibig nang mamataan ang zombie na lumalapit sa pwesto namin ngunit dahil may nakaharang na bob wire hanggang bewang niya ay hindi siya makalapit.

Tumutulo ang malapot niyang laway. Pinakita niya ang mapapayat at matutulis niyang ngipin na tila aware siya na pinapanuod namin ang bawat galaw niya. Handang-handa siyang kumagat ng laman. Ayokong maging kagaya niya. No, ayoko.

Napapikit ako at naglandas sa pisngi ang pinipigilang luha nang makitang nakalusot siya sa bob wire. Hinawakan ni Jimmy ang ulo ko saka nilapit sa dibdib niya.

BOOOOOOOOM

Agad akong napatingin kung saan nanggaling ang tunog na iyon. Malapit lang siya dito sa pwesto naman. Kita ko ang makapal at itim na usok na nanggagaling sa kanang bahagi kung saan kami nakapwesto ni Jimmy.

Agad na naglandas ang luha sa pisngi ko nang ma-realize na doon nagpunta sina Hubert kanina. Umalis na ang zombie sa harap namin at dali-daling tumakbo kung saan annggaling ang tunog.

Tumayo ako at handa nang puntahan ang lugar na iyon nang hilain ni Jimmy ang kamay ko kaya napaupo ako sa damuhan. Hinawakan niya ang ulo ko at niyuko pa ito. Pagsilip ko ay sobrang daming zombies na tumatakbo papunta sa lugar kung saan ang galing ang tunog.

Nang wala ng mga zombie ay nakahinga ako nang maluwag. Isa pang pagsabog ang narinig ko at muli na namang namuo ang luha sa mga mata ko. Ramdam kong yumanig ang lupang kinauupuan namin. Ibig sabihin, sobrang lapit lang ng pagsabog na 'yon.

"Isa ba iyong..."

"Patibong." Siya ang nagtuloy sa sasabihin ko.

Napapikit ako nang dahan-dahang mabalot ng pag-alala ang mukha niya.

"Sina Hubert." Pumiyok ako nang banggitin ang pangalan ng lalaking pinakamamahal ko habang umaagos ang luha sa mukha.

"Shhh tahan na," anito saka ako pinaypayan gamit ang kamay dahil hihikbi-hikbi ako at habol habol ang hininga.

"Hinga kang malalim. Inhale, exhale..." anito at gina-guide ako kung anong gagawin. Ialng minuto lang ay gumaan ang pakiramdam ko.

"Okay ka na ba?" Tumango naman ako.

"Kaya mong maglakad?" tumango uli ako.

"Tara na at magtago muna ron." Nginuso niya ang isang maliit na bahay kubo. May tatlo itong hagdan tapos iisa lang ang pinto. Base sa hitsura nito ay may kalumaan na. Isang jugjugan na lang ay magpipira-piraso na ang mga haligi nito.

Inalalayan niya akong tumayo. Siya ang nangunguna sa daan habang hila-hila ako. Nang makapasok kami sa loob ay hindi masyadong kadiliman dahil wasak-wasak na ang bintana kaya pumapasok ang liwanag mula sa labas.

Pagpasok namin ay mayroong kusina na walang lababo tapos sa left wing ay mayroong banyo saka sa right wing ay naroon ang kwarto na ang tanging takip ay pulang kurtina.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon