Chapter 33: Melody Delfin

35 1 0
                                    

"Why don't we just stay here? There is fresh air. Foods and drinks are abundant plus no signs of creepy zombies," ani Monic habang nag-aayos ng bag.

Aalis na kasi kami ngayon dito. Kung papalarin, hanggang lumubog ang araw ay nakatawid na kami sa Santa Lucita.

"Buwang ka ba? Diba't sinabi sa balita na pasasabugin ng militar ang ilang parte ng Aregdoon. Kung ayaw mong magpira-piraso ay dalian mo nang kumilos," sagot naman ni Daphne at lumabas na ng kwarto.

Lumabas na rin ako ng kubo at hinintay ang mga kasama ko sa labas. Napakabagal naman kumilos ng mga 'to. Naabutan ko si Daphne sa labas na salubong ang kilay.

"Anong petsa na. Anong hinihintay niyo pasko?" Sarkastikong tanong niya sa mga kasama. Magkasunod na lumabas sina Jimmy at Hubert na agad umakbay sakin.

"Haaaay ang kukupad," dagdag niya pa.

"Monic! Dalian mo riyan." Banta ni Daphne na nakapamewang na.

"Wait a minute!" Sigaw naman ng isa.

"Kakaladkarin kita riyan makita mo." Banta naman uli ni Daphne.

"ISA!" Sunod na sabi niya.

"Almost done."

"Dalawa," aniya muli pagtapos ng limang segundo.

"Tatlo!" Sigaw niya at akmang aakyat na sa kubo kaso papalabas na si Monic na sinusuot pa ang sapatos.

"Kikilos ka naman pala, e." Inirapan naman siya ni Monic.

Kumilos na kami at nagsimulang maglakad. Pansin ko lang na merong mga ribbon na kulay pula na nakasabit sa mga puno. Hinawakan ko ito at kunot noong nag-isip.

"Tignan niyo may mga ribbon." Natigil naman sila sa paglalakad at pinagmasdan ang paligid.

"What are these for? Decoration?"

"Hindi kaya nilagay ito ng mga militar para maging guide natin papunta sa Santa Lucita?" Tanong ko sa mga kasama nang may ma-realize.

"Maaari," ani Jimmy.

"Sundan na lang natin ang mga ribbon," sabi naman ni Daphne at tinuloy na ang paglalakad.

Lakad lang kami nang lakad. Hawak kamay kami ni Hubert kaya naalalayan niya ako kapag tirik ang daan. Kanina pa kami naglalakad. Mula alas sais ng umaga tapos alas tres y trenta na ngayon ng hapon.

Hindi pa kami kumakain. Atat na atat na kasi kami makarating sa Santa Lucita. Pawis na pawis na ako at hingal na hingal.

Nakakapagod pala umakyat ng bundok. Kung alam ko lang na ganito kapagod ang pag-akyat sa bundok sana nagdala ako ng maraming tubig na maraming ice.

"Can we rest?" ani Monic at pinandilatan naman siya ni Daphne.

"Anong rest? Malapit na nga, e."

"Are you sure we are heading the right way? We were walking since six in the morning. I-m...I'm freaking tired," aniya saka napaupo sa ilalim ng punong narra.

"Thirty minutes beak lang, ha. Kawawa ka naman baka ikamatay mo pa," inirapan lang ni Monic si Daphne.

Na-e-excite na akong makapunta sa Santa Lucita. Ini-imagine ko na may sasalubong saming militar tapos gagamutin ng mga doctor ang mga sugat namin. Tapos iche-check kung meron kaming sintomas ng zmb virus. Tapos non okay na, tapos na ang kalbaryo. Ganon kasi ang mga napanonood ko sa mga movie, e.

Nahiga ako sa lupa na punong-puno ng tuyong dahon. Nag-inat inat ako at ginawang unan ang bag.

"Haaaay.... Nakakapagod," sabi ko saka napahikab.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon