"Daphne..." Banggit ko sa pangalan niya.
At nang tignan ko siya ay nanlilisik ang mga mata niya pero nakangisi. Ito ang kauna-unahang pagkakataon na lapatan ako ng ganitong tingin ng bestfriend ko.
"Hello, Melody welcome to hell." Malamig na aniya. Kung banggitin niya ang pangalan ko ay tila isa itong nakalalasong kemikal.
Daphne...ano bang nangyayari?
Sa gulat ay napakawalan namin ng mga kasama ko sina Violet at sir Thomas. Nabitawan rin nila ang mga baril at espada.
"Ang kapal ng mukha niyong saktan ang mga magulang ko!" Umalingawngaw ang sigaw niya sa loob ng silid habang nakatutok pa rin ang baril sakin.
"M-magulang?" Napiyok ako. Umaagos sa pisngi ang mga luhang kanina pa nagbabadya. Kahit gets ko naman kasi ay nagtatanong pa ko.
"Yes, correct. Magulang ko sina Y at Violet. To summarize everything, I was showcasing a fake scenario and made you feel like I was healing your wounds but the truth is I was the one stabbing every part of your soul. Treachery is the exact term that defines it all."
All this time, akala ko si Monic ang traydor. It was Daphne all along.
"Traitor." Singhal ni Monic.
"Monic, my most favorite person on earth. How does it feel to be betrayed ten minutes after you declare we are bestfriends?"
"So, my instinct is correct. I really have this feeling you are the reason behind the tracker. Sinadya mong ilagay pa rin ang tracker sa balat ko para malaman nila ang mga kilos natin. Kasi it is impossible na mga pinsan ko ang naglagay. Imposible ring si Melody. If we do process of elimation, you are the last option to cross out."
"Very keen observation." Puna niya kay Monic. "Para kapag lihim kayong nag-uusap usap na tatlong magpipinsan malalaman namin ang mga plano niyo."
"Paano mo kami nagawang traydurin nang ganiyan. Anong kasalanan namin sa'yo, ha, Daphne?" Tanong ni Jimmy.
"Tama nga 'yong sinabi nila na kung anong puno siya rin ang bunga," dagdag niya pa.
"My God, Daphne! Bestfriend mo si Melody." Napahilamos sa mukha si Hubert.
"I'm sorry but I was trained to disregard any positive emotion to my mission. Any feelings of affection and any relationship built during my mission is considered hoax and unwanted. Kumbaga, napilitan lang ako."
"What mission?" Mataray na tanong ni Monic.
"Gaya niyo ay may misyon din ako." Binaba niya ang baril at pinaikot-ikot sa hintuturo niya.
"Misyon ko na bantayan din si Melody dahil nalaman ng mga magulang ko na malaki ang posibilidad na siya ang anak ng taong matagal na nilang hinahanap." Hindi kami nagsalita.
"Wala akong ibang gagawin kundi kaibiganin siya at kapag napalapit na ako sa kaniya ay saka ko siya tatraydurin. Gusto namin siyang durugin emotionally. And guess what? Mission accomplished." Nakangising aniya at tila proud na proud pa.
Sinusundan ko lang ang kilos ni Daphne. Parang...parang hindi siya ang Daphne na nakilala ko. Ganito pala 'yong feeling ng friend betrayal, no? Parang pakiramdam mo iniputan ka sa ulo.
Ni hindi ko magawang ibukas ang bibig ko. Nanlalamig ang buong mga palad ko. Nanginginig ang kalamnan ko sa magkakahalong emosyon.
Hindi pa rin ako nakababawi sa pagkagulat. Naririnig ko ang mga sinasabi nila pero wala akong maintindihan.
"Melody chose to stand firm with pride and dignity. She is willing to silence her roar to protect your lair. How heartless are you to betray her pure soul?"
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...