Alas singko ng umaga nang mapagpasyahan naming maghanda na para sa paglikas. Wala ni isa sa'min ang nagkaroon ng magandang pagtulog kagabi.
Umaasa akong may sasampal sa'kin at sabihing isang masamang panaginip lang ang lahat. O hindi kaya may isang vlogger ang lilitaw at may hawak na camera saka sasabihing, "it's a prank!".
Makailang ulit ko na ring kinurot ang sarili ko pero andito pa rin ako sa lugar na 'to. Sa eskwelahan na inakala kong daan sa pangarap ko. Pero heto kami ngayon at nagtatago, nagpaplano at ginagawa ang lahat para hindi makagat ng mga zombie. Kung dati nakikipagsapalaran kami para sa kinabukasan ngayon naman nakikipaglaban kami para mabuhay.
May talsik ng dugo at parte ng katawan sa buong katawan at mukha ko na hindi ko nahugasan kagabi. Kahit andito ako da loob, naririnig ko pa rin ang maiingay na pagsinga ng mga zombie sa labas.
Ibig sabihin, totoo ang lahat. Ang acquiantance party. Ang pagtago namin sa faculty. Ang pagplano naming lumikas sa Santa Lucita. Ang mga zombies. Lahat totoo.
"Kailangan nating magdala ng pagkain. Malayo pa ang babaybayin natin."
Nagkaniya-kaniyang kaming kuha ng eco bag, ito kasi ang meron sa kusina saka kami kumuha ng ilang noodles, biscuit at tubig.
Total naman 'di ko alam kung hanggang kailan pa ako mabubuhay, kumuha na rin ako ng mga tsokolate na bihira lang dumampi sa dila ko. Ito kasi ang mga una kong nakita rito kaya ito na ang mga kinuha ko. Hindi ako kagaya ni Monic na namili pa ng mga paborito niyang brand.
"Ano ba pakibilis naman!" Nandadagdag na si Daphne. Paano kasi si Monic hindi makapili-pili kung anong cookies ang kukunin dahil pareho niyang favorite. Parehas daw kasing zero sugar pero masarap. Nang wala siyang mapili ay dalawa na ang kinuha niya.
"This is so uncomfortable," hirap na hirap si Monic sa pagdala ng eco bag. Nalaglag pa nga iyong energy drink niya. Tapos nang akmang pupulutin na niya ay agad siyang inunahan ni Hubert. Wow, ang sweet.
Ano ba 'tong dalawang 'to sa harap ko pa talaga sila gumawa ng kalandian.
"Thanks," ani Monic saka ngumiti kay Hubert. Tinititigan ko lang sila. Kahit may choice naman akong 'wag silang panoorin ay di ko ginawa. Nang matapos silang magpalitan ng matamis na ngiti ay napalingon sila sakin. Hindi nakatakas sa paningin ko ang pagtingin sakin ni Hubert mula ulo hanggang paa.
"Anong tinatayo-tayo mo riyan?" Inirapan ko siya.
"Paharang-harang kayo, e may kukuhain ako." Nasabi ko nang may sumagi sa isip ko.
Iniwan ko sila ro'n saka nagpunta sa kusina. Kumuha ako ng sandok, ito ang ginagamit sa tuwing may mga bigating okasyon. Iyong mahaba ang hawakan at stainless. Kumuha rin ako ng maliliit na kutsilyo saka tinali ko iyon sa dulo ng sandok.
Sinubukan kong iwasiwas kung malalaglag. Napatalon ako sa gulat nang makita si Hubert na nasa likod ko pala. Muntik ko na siyang masaksak.
"Ano ba!" Inis kong sabi.
"Mukha kang timang dyan, Unding." Inirapan ko na lang siya. Pake niya ba? Kaniya-kaniyang diskarte para mabuhay. Aba!
Ilang sandali pa'y lumabas sina Sir Thomas at Jimmy dahil kailangan nilang i-check kung may gumagana pang sasakyan. Kaya naman andito kaming lahat ngayon sa kusina at nag-aabang sa pagdating nila.
Nandito kami sa pinakadulo ni Daphne tapos sina Monic at Hubert nag-uusap malapit sa bungad papuntang kusina.
"Nasaan kaya si Arman?" Bigla kong naitanong. "Ligtas kaya siya?"
"Hindi naman niya pababayaan ang sarili niya huwag ka nang mag-alala." Ngumiti si Daphne. Grabe pala 'yong ngiti ng babaeng ito nakahahawa.
"Tignan mo 'yong dalawa." Nginuso niya sina Hubert na pinupunasan ang dugonh natuyo sa noo ni Monic. "Hindi ka ba nagseselos?"
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...