Chapter 21: Sound and Light Reactor

44 1 0
                                    

Tumakbo kami nang tumakbo. Hindi ko alam kung saan kami nagpupupunta basta takbo lang nang takbo. Paikot-ikot lang kami sa loob ng mall. May mga nakasasalubong kami minsang zombie kaya umaatras kami pero may mga zombie pa sa likod kaya hindi na namin alam kung saan kami nagsusuot.

"Kaya mo pa, Ding?" tanong ni Hubert nang bumagal ang pagtakbo ko.

"Kaya pa, Hal." Paniniguro ko at sinabayan ang bilis nila. Hingal na hingal man ay pinilit ko silang abutan.

Nadapa-dapa ako kaya hinawakan ni Hubert ang kamay ko at tumakbo kami nang mabilis. Konting-konti na lang maabutan na kami ng zombies. Sobrang bibilis nila. Para silang mga aso kung tumakbo.

Kahit mahahaba ang bias ko ay nagagawa pa rin nilang sabayan ang bawat hakbang ko. Tila wala silang kapaguran. Samantalang ako ay hingal na hingal na at pawis na pawis na rin ang damit ko. Nauuhaw na rin ako. Pakiramdam ko nag-marathon kami ng limang oras. Ganong level ang pagod ko.

Hindi na pala gumagana ang mga escalator at elevator kaya gumagamit na kami ng hagdan. Nadapa pa ako dahil sa kakamadali. Kung minamalas nga naman.

Lord, magpapakabait na po ako basta tulungan niyo lang kaming makaligtas sa kaguluhang ito. Iyan ang taimtim kong ipinagdasal habang tumatakbo.

Hindi na ako makahinga nang maayos sa sobrang hingal. Parang natutuyo na rin ang lalamunan ko. Ang bibilis tumakbo ng mga zombie kaya kailangan din naming bilisan kung hindi ay maabutan nila kami.

Dumiretso kami sa grocery store. Hingal na hingal kami at habol ang hininga nang magtago at maupo sa isang shelf.

Hinawakan ko ang dibdib ko dahil hindi ako makahinga nang maayos. Ang lakas ng kabog nito. Alam mo 'yong feeling na kapag tumakbo ka nang mabilis tapos nararamdaman mo 'yong tibok ng pulso mo sa sintido. Ganon na ganon.

Basang-basa ng pawis ang damit ko. Kung tutuusin ay para akong nag-jogging mula NCR hanggang Visayas. Alam kong exaggerated ang paglalarawan ko pero parang ganong level ang pagod ko.

"Hindi na tayo ligtas dito," bulong ni Hubert. "Huwag na tayong pumunta sa CCTV room," dagdag niya pa habang hingal na hingal. "Masyado nang delikado."

Nang magtama ang mga mata namin ay gumuhit ang pag-alala sa mukha niya. Paano kasi'y habol habol ko ang hininga at ang bilis bilis ng pagtibok ng puso ko.

"Okay ka lang?" Nag-aalalang tanong niya. Tumango naman ako habang hawak ang dibdib.

"Kayo, okay lang kayo?" tanong ko at nag-thumbs up naman sila.

"Arman!" Mahinang sigaw ko nang bigla na lang itong matumba sa sahig.

Naka-fatal position siya tapos hawak-hawak ang tagiliran. Nang tignan ko ay ang daming tumutulong dugo sa tagiliran niya. Ang kulay puti niyang bandage ay naging pula na sa sobrang daming dugo.

"Ang sakit ng sugat ko," aniya habang hawak-hawak ang tagiliran na maraming umaagos na dugo. Inihiga ko siya nang maayos at nilagyan ng pressure ang sugat niya.

"Kukuha ako ng bandage at betadine don," ani Hubert saka nginuso ang aisle kung nasaan ang medicine area.

Hinawakan ni Arman ang braso niya sabay iling, "Huwag na baka mapahamak ka pa."

"Pero—"

"Ayos lang ako." Pang-uuto niya pa.

Ilang sandali pa ay naupo na siya gaya namin. "Ayos ka na?". Tumango-tango siya, hawak pa rin ang tagiliran.

Ilang minuto lang ay may narinig kami ng kalabog malapit sa amin. Nang silipin ko ay may mga zombie na pakalat-kalat sa grocery store.

"Ilan sila?" bulong ni Arman. "Tatlo," sagot ko, habol pa rin ang pahinga.

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon