Nandito na kami ngayon sa labas ng jeep, sa pwesto namin kanina. Nawalan na kami ng gana mag-swimming kanina pagtapos malaman na si Mrs. Violet at ang Y na 'yon ay iisa.
"Siya ba talaga ang mastermind?" Tanong ko.
Gabi na ngayon at nakapalibot kami sa bonfire habang walang kagana-ganang nag-iihaw ng isda at mais.
"Baka naman prank lang 'yon," ani Jimmy. Possible rin kasing may mag-pull ng ganong prank diba?
"There will not going to broadcast it if it wasn't true," ani Monic habang iniikot ang tilapia.
"Sa pagkakakilala ko kay Dean ay hindi niya ugaling mag-prank." Iniihaw ni Daphne ang mga natira naming mais kanina.
"Sa tingin ko siya nga. Pansin niyo ba 'yong background ay 'yong background din niya nong first time niyang magpakilala kaso naka-maskara," ani Hubert saka tinikman ang mais kung luto na kaso pagkaraan ng ilang segundo ay binalik niya sa apoy.
"But somethings odd," ayan na naman si Monic sa mga observations niya. Kunot-noo akong napatingin sa kaniya.
"Odd?" tanong ko.
"Yeah, I mean take a look at the previous videos. Hindi nagtutugma ang lapad nila. Sa unang video ay hanggang breast ang pinakita sa video and from that view, I can tell that Y is a bit fat but Mrs. Violet is thin."
Oo nga no? Bakit hindi ko napansin 'yon?
"May point ka naman. Pero sabi nga ni Hubert pare-parehas lang 'yong location ng video. Hindi naman magkakaroon ng access si Mrs. Violet sa lugar kung hindi talaga siya si Y," abi ko naman. Tinignan ko kung may dugo pa 'yong bangus at meron pa nga kaya binalik ko uli sa apoy.
"Haaay ang gulo-gulo." Napahilamos sa mukha si Jimmy.
"What bothers me is that 'yong sinabi ni Violet that Alfred and Priscilla should protect their daughter at all cost. It feels like a warning."
"Daughter? Ibig sabihin babae ang anak nila." Tama naman si Daphne. "Saka warning? Ulit-ulit lang naman sila ng sinasabi, e."
"Pakiramdam ko nadadamay lang tayo sa away nila. Kung sinoman 'yong anak nila Alfred at Priscilla sana hindi natin makasalubong. Siguradong pinadalhan siya ng maraming zombies ni Violet. Sabi niya diba I'll give her hell." Ani Jimmy.
"Hindi talaga natin alam ang ugali ng isang tao, no? Kahit pala mataas na ang posisyon mo, may pinag-aralan at karespe-respeto, gagawin mo pa rin pala ang lahat kahit pa ikasasama ng nakararami para lang makuha ang gusto mo." Kuwento ni Daphne at kita kong napatulo ng luha ang kanang mata niya.
"H-haha! I'm sorry ang emotional ko na lately," aniya at nagpunas ng luha.
Pagtapos ay nagpatuloy siya sa pagsasalita. "Naisip ko lang kasi na what if walang ganito, walang outbreak. Mangyayari pa rin ba ang mga twist na nagyari ngayon. Gaya ng...malalaman ba natin ang tunay na pagkatao ni Arman, mag-aaminan ba ng feelings sina Melody at Hubert, malalaman ba natin ang tunay na kulay ni Y? Kung walang outbreak siguradong buhay pa si sir Thomas." Mahabang kwento niya at pumatak na ang tuloy-tuloy na luha.
"Ang totoo niyan, hindi ko lubos akalain na ganitong plot twist ang ibibigay satin ni Lord. Kakaiba. At nerve wrecking," komento ni Jimmy.
"Kung sanang walang zombie nagkukumahog na sana tayo ngayon sa paggawa ng sandamakmak na paperworks." Kuwento ni Hubert. Tama, marami na naman siguro kaming paper works kung hindi nangyari ang kaguluhang ito.
"Everything is in chaos. But I can't deny the fact that I felt thrills whenever we face the zombies. At first, I was frightened but as time goes by, I feel extreme contentment and satisfied whenever I kill them."
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...