Chapter 36: Hiss

33 1 0
                                    


Pagtapos patayin ang tawag ay tinulak niya ako sa puwesto ng mga kaibigan ko. Mabuti at nasalo ako ni Hubert. Medyo napaatras pa nga kami dahil sa lakas ng pagkakatulak ni Y sa'kin.

"Y, ano ba. Mag-ingat naman ho kayo. Parang wala naman tayong pinagsamahan niyan." Nanggigigil na sabi ni Hubert. Agad niyang pinunit ang manggas ng damit niya saka pinahid ang dugo na umaagos sa leeg ko.

"Masaya ka na? Nakita mo na ang mga tunay mong magulang?"

"Hindi ko sila hahayaang ibigay sayo ang code-" Bago pa ko matapos magsalita ay may hinugot siyang espada.

Ilang pulgada na lang ay matutusok na niya ang tip ng ilong ko. Hinila ako ni Hubert at tinago sa likod niya. "Tama na, Y." Nagtiim ang panga niya habang nakikipagsukatan siya ng tingin sa inakala naming kakampi namin.

"Sigurado akong mas pipiliin ka nila kaysa sa code." Ngumisi si Y saka binaba ang espada.

"Sinabi ni Violet na kayo ang nagpapadala ng mga zombie sa pinagtataguan namin, ang pagkamatay ni Arman at marami pang paghihirap. Bakit? Anong kasalanan ko sa'yo at pinaglalaruan mo ako? Anong ginawa ko sa'yo para gawin mo sa'kin lahat ng 'to. Kung may problema ka sabihin mo nang harapan at susubukan kong ayusin."

"Paulit-ulit. I said it didn't I? That I wanna make you a bait yo lure out your greedy parents."

"Hindi sila sakim. Ikaw ang sakim."

"Yeah, yeah. Whatever." He made a dismissive gesture.

"In accordance to that, I want to destroy you," aniya saka nagpalakad-lakad. "Emotionally and mentally," dagdag niya saka tumalikod. Pinagmamasdan ang mga naglalakihang monitor.

"Ang sarap-sarap mo kayang kalaban, Melody. Hindi ka sumusuko kaagad. Matatag ka. Malakas. May paninindigan. At iyon ang gusto ko sa isang kalaban."

"I could say, we have the same level of comprehension and wits. However, yours are use in good deeds while I do the opposite." Ngumisi siya sa'kin.

"You are giving me varied shades of satisfaction everytime you try to surpass my intelligence. The way you make a move killing my magnum opus, running as fast as you could then hide and the way you protect your friends gives me different levels of thrills." Inalis niya ang kaniyang salamin saka pinunasan gamit ang dulo ng damit.

"You stick with your principle. You always see what's white in every black sheep. You tend to make something pure even if they are obviously unclean." Sinuot niya ang salamin niya saka ako tinignan tapos umiling.

"I wonder kung hanggang saan aabot ang pinagmamalaki mong kabutihan oras na dumating ang araw na nanginginig ka na sa gutom, 'pag wala na kayong supply ng tubig, kapag nangangatog ka na sa takot dahil any time puwedeng isa sa inyo ma-infect ng virus." Nagpalakad-lakad siya sa harap namin habang ang mga kamay ay nakapuwesto sa likod.

"But once again!" He shouted, raising his one point finger up in the air. "You surpass my standard. Napabilib mo na naman ako. How are you doing that really, huh?"

Hindi ko na talaga siya makikala. His choice of words, the way he speaks, the way he moves. I could see the bloody lust in his eyes to kill me in a blink of an eye. I know he is just waiting for the code. Once he get it, he won't think twice to kill me. He is just using me as a bait.

"Kaya nga ikaw ang gustong-gusto kong kalaban. Ang sarap makipaglaban sa isang tao na ka-level mo ng talino, diba?"

"Pero bata lang ako. 'Di hamak na mas may alam ka kaysa sa'kin. Hindi ba dapat mas malawak ang pang-unawa mo?"

"Bakit ka ba nagrereklamo diba gusto mong pag-usapan ang tungkol sa zombies. Dapat nga magpasalamat ka pa sa'kin. Ginawa kong totoo ang mga bagay na akala mo sa libro mo lang mababasa."

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon