"ARMAN!" Sigaw namin sa galak. Hindi ko akalain na makikita ko siya ngayon dito.
O mukhang si Hubert lang ang hindi nagagalak. Hindi nakaligtas sa mga mata ko na nagtiim ang bagang niya at mas humigpit ang hawak sa kamay ko.
May sugat sa tiyan si Arman, medyo may kalaliman kaya naman nakita ko ang sakit at hapdi sa ekspresyon ng mukha niya nang tumayo siya. "Mabuti naman nakita andito kayo."
Tinapunan niya ako ng tingin. Bigla akong inilayo ni Hubert mula kay Arman nang makatayo siya. Napa-form naman ng 'O' ang labi ni Arman nang makitang holding hands kami ni Hubert.
Pagka-kwan ay ngumisi siya at tinapik ang braso ni Arman na hanggang ngayon ay nagtitiim ng panga.
May galos din si Arman sa noo at punit na ang damit sa mga braso, may hiwa rin siya ron.
"Is it okay if I put some first aid on your wounds?" tanong ni Monic kaya naman ginamot na niya si Arman.
Andito pa rin kami sa grocery store at nagtatago. Look out namin sina Jimmy sa kanan tapos si Daphne naman sa kaliwa.
Kulang na lang ay mahiga si Arman sa sahig dahil napapaliyad siya kapag nadadampian ng betadine at alcohol ang mga sugat niya. Wala kasi kaming ibang panlinis ng sugat na mahanap kundi mga ito lang.Napapahiyaw siya sa sakit kaya binigyan siya ng tela upang kagatin at hindi makapag-ingay. Baka kasi marinig siya ng mga zombie.
Pagkatapos niya ay kami naman ang ginamot ni Monic. Pansin ko lang parang dumidestansya na si Monic kay Hubert mula nang aminin ni Hubert na nililigawan niya ako.
Alam ko naman na napaka-wrong timing ng pagliligawan namin pero ewan ko ba at sumasakay na lang ako. Siguro kasi feeling ko ang daming taon ang nasayang namin ni Hubert sa pagbabangayan. Bakit ba kasi hindi niya ako ni-pursue nong wala pang outbreak?
Bago kami umalis sa grocery store ay nanguha na naman ako ng tubig, noodles at biscuit. Dumiretso kami sa stock room ng mall. Maraming mga naka-stock na mga appliances at kung ano-ano pang bagay dito.
Tapos nang buksan ko ang isang pinto ay mayroon na namang isang room doon. Parang extension. Maraming mga naka-display na CCTV camera kaya napa-yehey kami sa saya. Ibig sabihin di na kailangang i-hack nina Jimmy at Daphne ang labas ng area ng mall na ito para lang magkaron kami ng mata sa labas. Kita mo nga naman ang biyaya kusang nahuhulog mula sa Maykapal.
Abot ang nakukuha ng camera sa loob ng mall hanggang sa kalye sa labas kaya bentahe iyon para sa amin. Hindi kasi namin magamit ang camera drone na in-invent nina Daphne kasi hindi ma-capture ang labas ng mall.
Masyado kasing malawak ang mall na ito. Hanggang sa may exit lang ng mall ang kaya niya. Atsaka limited lang ang source nila kaya hindi ko sila masisisi kung may mga defect ang mga na-i-invent nila.
Napagdesisyunan pala naming magkaroon ng groupings kung sino-sino ang mga magbabantay sa mga CCTV at camera drone para kahit papaano ay makatulog man lang kami.
Kami nila Monic at Hubert ang magkasama. Natutulog na sila samantalang naka-ilang hikab naman ako. Inaantok na ako. Pakiramdam ko anumang oras makakatulog ako. Sobrang boring pala magbantay ng CCTV. Pero halos atakihin ako sa puso nang sumigaw ni Monic.
"O MY God! Look!" Nang tignan ko ang tinuturo niya ay may mga limang zombie na pakalat-kalat sa kalsada. Nang tignan ko ang isa pang CCTV ay mayroon pang mga zombie na malapit sa kanila, mga anim sila sa tantya ko.
Nang dahil sa sigaw ni Monic ay nagising ang mga kasama namin. Kahit nasa kabilang kwarto sila ay pumasok sila sa CCTV room at tinignan ang mga monitor. Halos isubsob naman ni Arman ang mukha sa monitor, malabo kasi ang mata niya.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Ficção CientíficaMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...