Chapter 39: Chaotic

34 1 0
                                    

"V-violet," sabi ko at napalunok nang ilang ulit.

"M-mom." Kinakabahang tawag ni Daphne sa ina saka hinila ako at nilagay sa likod niya.

"Daphne umalis ka riyan." Banta ni Violet. Akmang itututok niya muli sakin ang espada nang tabigin ni Daphne ang kamay niya.

"Mom ano ba! Tama na." Suway niya sa ina.

"Hindi ka na talaga nakikinig sakin. Matigas na ang ulo mo," aniya saka hinila si Daphne saka niya tinutok sakin ang espada.

"M-mom!" Sigaw ni Daphne nang nakatapat na sa lalamunan ko ang tip ng espada.

Hinawakan niya ang braso ng ina at nagsimulang mamuo ang mga luha.

"M-mom...mom tama na." Awat niya ngunit pinagkadiinan ni Violet ang espada sakin.

Napapikit ako nang maramdamang umagos ang malapot na likido ron. Unti-unti kong naramdaman ang bahagyang paghapdi ng lalamunan ko.

"At plano mo pa talagang tumakas kasama ng mga 'yan? Bakit mo sila pipiliin over me and your dad? Bakit, ha Daphne? Sino sila sa buhay mo at ganiyan mo na lang silang protektahan?" Napadilat ako nang magsalita si Violet. Nanggagalaiti ang mukha niya sa galit.

Nang nakatuon ang atensyon niya sa anak ay nalayo niya nang bahagya sa lalamunan ko ang espada pagkatapos ay kinuha ni Hubert ang pagakakataon na iyon para makatakas ako. Sinipa niya ang kamay ni Violet kaya tumilapon ang espada niya sa sahig.

Nang aabutin na ni Violet ang espada ay sinipa iyon ni Monic palayo. Tinignan siya ni Violet nang masama. Habang nakayuko siya ay kinuha ni Jimmy ang pagakakataon na iyon at sinipa ang puwet ni Violet kaya napasubsob siya sa sahig.

Nilabas ko ang espada ko at tinutok sa noo ni Violet. At pagtapos kong gawin iyon ay nakarinig ako malakas na puwersa sa gilid ng tainga ko. Pagsilip ko sa kanan ko ay may butas na bala ang pader at umuusok-usok pa.
Napalunok ako nang ilang ulit. Muntik na ako ron.

Paglingon ko ay marami na kami sa labas ng silid. Hawak-hawak na ng mga tauhan ni Y ang mga kasama ko maging si Daphne. May mga nakatutok sa mga sintido nila na mga baril habang nagpupumiglas sila. Napakabilis ng mga pangyayari.

At nakatapat naman sa sintido ko ang nguso ng baril ni sir Thomas. Cornered na naman nila kami. Nang tignan ko si Violet ay maarte niyang pinapagpagan ang gown at nakangisi. Napapikit ako sa inis!

"Akala ata ang mga batang ito ay ganon kadali ang buhay." Ngumisi si sir Thomas na tila isang diablo.

***

Dinala uli nila kami rito sa silid kung saan maraming human experiment at maraming malalaking monitor.

Nagpindot-pindot don si sir Thomas tapos pinakita samin ang screen kung saan nagmamadaling maglakad papasok sa loob ng underground lab ang mga magulang ko.

Ni-ga-guide sila ng ilan sa mga tauhan ni Y kung saan papasok.

"Perfect!" Nag-apir pa sila ni Violet nang makita ang mga magulang ko.

"They act so quick, really. Pinapabilib talaga ako ng mga magulang mo," ani Y sa akin saka marahang tinatapik-tapik ang pisngi ko.

"Let's wait for our special guests." Nakangiti na silang mag-asawa. Malamang paparating na ang grasya. Iniisip siguro nila na makukuha nila ang code oras mismo.

Bakit ganon kabilis mag-shift ang mood nila. Minsan nga iniisip ko baka meron na silang mental disorder?

"Things are getting more exciting!" Napairap si Monic kay Violet.

"Bago natin kunin ang code sa mga Yamaguchi ay saksihan natin ang madramang pagkikita ni Alfred at Priscilla sa kanilang beloved daughter. The entrance of the guests...in three, two, one."

Chaos in AregdonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon