Wala kaming nagawa kundi hampasin sila gamit ang mga dala naming weapon. Naawa ako kasi ramdam kong hindi nila ginusto maging zombie.Ang isang bagay na pinagpapasalamat ko ngayon ay dahil ang mga zombie na narito ay mga mababagal maglakad kaya bentahe sa'min kapag dedepensa.
Sa tantya ko ay hindi sila bababa sa sampu. Karamihan sa kanila ay naka-costume pero hindi ko na malaman ang espisipikong costume dahil punit na ang damit nila at maraming dugo.
Ilang beses kong hinampas sa kanila iyong mop. Ayoko mang manakit pero kailangan kong gawin para mabuhay. Gano'n din ang ginawa ng mga kasamahan ko. Nakakakonsensya pero wala akong choice. Mabagal man sila kumilos pero agresibo. Para silang gutom na gutom sa laman ng tao.
Akala ko ayos na pero biglang hinawakan ng isang naghihingalong zombie ang paa ni Daphne. Wala na akong lakas sa paghampas kaya kinuha ko ang naka-display na paso sa gilid ng daan at tinapon sa pagmumukha ng zombie. Tumalsik ang utak at dugo niya sa'min ni Daphne.
"Muntik na." Humihingal na aniya.
"I'm at your back." Kinindatan ko siya.
Duguan kaming lahat nang matapos naming kalabanin ang mga zombie. Nakahihingal, nakapapagod at mas nakatatakot ang hitsura nila sa malapitan. Nang magawi ang tingin ko sa hawak kong pang-depensa, naputol na ito sa dalawa.
Hindi pa ako nakare-recover nang mahagip ng mata ko ang paparating na naman na mga zombie. Higit sampu sa tantya ko. Base sa pinanggalingan nila, mukhang galing sila sa senior high building.
Siguradong narinig nila iyong paso kanina. Lakas ng pandinig nila. Lumingon silang lahat sa direksyon namin at sabay-sabay silang papunta rito. Buti na lamang at mabagal silang maglakad kaya advantage iyon para sa'min.
"What the heck," ang tanging usal ni Monic saka nasundan pa ng ilang magkasusunod na mura.
Handa akong lumaban sa mga papalapit na zombie kaya lang biglang may humila sa'kin. Agad akong napatingin sa gawi niya.
Maputi, matangkad, umiigting ang pang--
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo? Diba sinabi kong magtago ka?!" Gigil niyang sabi. Nong mga oras na 'yon pakiramdam ko naging panatag ang loob ko.
Walang duda. Si Hubert nga itong humihila sakin. Wala na ang pekeng horn niya. Puro dugo rin ang damit niya at may sugat siya sa mukha.
Hila-hila naman ni Jimmy sina Monic at Daphne. Binato ni Sir Thomas ang yero sa senior high building kaya bumalik doon ang mga zombie na papunta sa'min kanina.
Tumakbo kami nang tahimik at pumasok sa loob ng cafeteria. Agad naming ni-lock ang grills, saka sinunod ang glass door. Maging iyong exit door ay ni-lock din ni Jimmy.
Natural na nakasara na ang mga bintana rito dahil may aircon. Kaya tumulong na lang ako sa paglagay ng mga mesa at upuan at hinarang sa mga pinto. Mahirap na baka masira ng mga zombie ang lock.
Nang matapos ay napaupo kami sa gilid at hingal na hingal man ay masaya pa rin ako dahil naka-survive kami.
"N-nakaligtas ka?" Tanong ko kay Hubert nang mahimasmasan ako.
"Sa kabutihang palad ay oo. Atat na ata ka na bang mamatay ako, ha?" Nandoon pa rin ang sarkasmo kaya inirapan ko siya.
"Hindi, ah!"
"Wow! So the rumors are true...na may gusto ka sakin? " Agad nanlaki ang mga mata ko sa sinabi niya. Pakiramdam ko tumayo lahat ng balahibo ko sa katawan. My God! Nakakadiri.
"Ang kapal ng mukha mo!"
"So why do you have that wide smile? I assumed you are relieved kasi nakaligtas ako." Napaka-assuming.
BINABASA MO ANG
Chaos in Aregdon
Science FictionMelody Delfin is just an ordinary student-teacher who has unending interest in weird and unique wights like mermaids, vampires and even zombies. Until one night, her life with her friends turned upside down when something unusual and creepy happen...