Everything is perfect! One month na lang ikakasal na kami ni Gavion. After 3 years of being in a relationship, finally I can say that I found a man. Maraming nangyaring hindi maganda, marami kaming pinagdaanan. Sabi nga nila, sa hinaba-haba ng prosisyon sa simbahan pa rin ang bagsak. I can't help myself but to smile habang nakatingin ako sa singsing na suot ko. Kasi naman, sa ugali ko hindi na ako umaasa na may lalaking magtatiyaga sa akin.
Maldita, palamura, mapanakit physically, may katarayan, feeling untouchable, overthinking always hit me, selosa.
Sinong magtatagal sa ganiyang ugali? Syempre si Gavion lang! Siya lang ang nakatagal sa akin!
“Love?” Tawag sa akin ni Gavion, napalingon ako sa likuran.
“Love!” Masiglang bati ko sa kaniya sabay niyakap ng mahigpit.
Ang swerte ko sa lalaking 'to!
“Careful makayakap ka naman.” He chuckled.
I removed my hands then pout a little. “I miss you lang naman kasi!” Umaakto na naman akong bata sa harapan niya.
Natawa siya ng mahina. “I know and I miss you too!” He wrapped his hand around my waist.
Ganito kami ka-sweet and sometimes, mas sweet pa kami rito. Noon 'yon. Noon, not until...
“Acylle, I need some space. Gusto ko munang makipag-cool off sa'yo.” Natulala akong bigla sa sinabi niya.
Nagsimulang manubig ang mata ko. One week na lang. One week na lang ikakasal na kami tapos ito ang sasabihin niya?! He need some space?! For what?! May iba ba siya?!
“B-Bakit?” My voice shattered as I uttered those word. He can't look straight into my eyes.
“I-I just feel... out of love.” Humina ang kaniyang boses.
Pagak akong natawa. “Out of love?” Tumawa ako ng mas malakas. “Niloloko mo ba ako, Gavion?! Niloloko mo ba ako?!” Nagasgas ang aking lalamunan sa pagtaas ng boses ko.
Tahimik lamang siya at hindi sumasagot. Lalong tumaas ang galit ko dahil doon.
“Bakit, Gavion, may iba na ba?” Naluluhang tanong ko.
Napaangat ang tingin niya sa akin. “What?! Wala, Acylle! Wala! Walang iba! Ikaw lang... ikaw lang naman palagi!” Tanggi niya.
Umagos ang mainit na likido sa mata ko ng sunod-sunod.
“Bakit kailangan mo 'kong iwan? Am I not enough? Hindi na ba kita napapasaya, love? Gagawin ko naman lahat ng kulang ko, eh!” Hinila ko ang kamay niya. “Love, please! H'wag ganito! Huwag mo 'kong iwan, please!” Nagmamakaawang saad ko.
Malakas lamang siyang bumuntong-hininga. Yumuko siya sabay nag-angat ng tingin sa akin. Umiling siya sabay hinubad ang singsing na nakasuot sa daliri niya.
“I-I'm sorry, Acylle but we have to.” Nilapag niya sa palad ko ang singsing sabay umalis.
I was left dumbfounded and speechless. Samo't saring rason ang pumapasok sa isip ko kung bakit niya ako iniwan. Isang linggo na lang, eh! Isang linggo na lang ikakasal na kami, bakit siya nakipaghiwalay? Ayaw na ba niyang maging asawa ako?! Ayaw na niya sa akin?! Nagsawa na siya sa ugali ko?!
Bakit Gavion?
Bakit kailangan mong umalis ng maraming tanong na iniiwan sa akin?!
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomansaR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
