CHAPTER 26

721 19 0
                                        

ACYLLE'S POV

Matapos ang nangyari sa opisina ni Hammer hindi na kami muling nag-usap. Hiyang-hiya ako sa kaniya lalo na sa sarili ko. Hindi ako makapaniwalang wala pang limang minuto nakuha na agad niya ako. Ngayon, ultimo kausapin siya ay nakayuko ako. Muntik pa kaming mahuli ng higad niyang girlfriend. Kung nagkataong nahuli kami malaking eskandalo ang mangyayari. Ako lang ang mapapahiya dahil hindi naman ako ipagtatanggol ng lalaking 'yon.

“Mrs. Quimpo.” Dinig kong pagtawag niya mula sa loob ng opisina.

“Yes, Sir?” Malakas na sagot ko.

“May i-uutos ako sa'yo.”

“Ano po 'yon?”

“Can you please get inside my office para kang tanga diyan sa labas!” Asik niya.

“Tss!” Siring ko. Iniiwasan ko nga siya parang nananadya naman.

Wala akong nagawa kung 'di sumunod sa utos niya. Nang makapasok ako agad na lumaki ang mata ko sa dami ng kalat niya. Nakababa lahat ng mga drawer at tila may kung ano siyang hinahalungkat.

“Tulungan mo ako na hanapin lahat ng 10 years ago data about sa company.” Sabi niya habang nangangalkal. Nagmukha siyang magbabasura sa hitsura niya.

Nilingon niya ako ng salubong ang kilay. “Huwag kang tumunganga lang diyan! Tulungan mo na ako!” He said with authority.

“Tutulungan naman kita pero p'wede ba... magtali ka muna ng buhok mo! Mukha kang magbabasurang pinababayaan!” Panlalait ko.

“Wala akong tali.” Bumalik siya sa ginagawa.

Lumapit ako at tumayo sa likod niya.

“Umupo ka muna ng maayos tatalian kita ng buhok.”

Tiningala niya ako. “Instead of wasting your time in my hair, help me here. Pinatawag kita para tumulong maghanap hindi para magtali ng buhok—ARAYYY!” Daing niya sa huli ng hilain ko ang buhok niya.

Sapilitan kong in-steady ang ulo. Ang dami pa kasing arte.

“Bakit kasi sa dami ng trip magpahaba pa ng buhok ang naisip mo?” Maayos kong iniipon ang buhok sa kamay ko.

“Bagay sa akin.” Simpleng sagot niya.

“Bagay? Mukha ka na ngang tanga! May balbas ka na, mahaba pa ang buhok mo. Kulang na lang maging si Santa Claus ka!”

“What do you care?” He smirked. “Concern ka pa rin sa akin?” Kapag ba sinabi kong oo maniniwala ka?

“Mama mo concern!” Binitawan ko na ang nakatali niyang buhok. “Palagi kang magtatali ng buhok. Sa'yo na 'yang panali na 'yan.”

Nakita kong kinapa niya ang tinali kong buhok niya. Hindi ko na pinansin ang sunod niyang ginawa at sinimulan ng maghanap ng mga files. Wala akong ideya sa kung anong balak niyang gawin sa mga file na iyon. Kung 10 years ago 'yon ibig sabihin may record siya na gustong ayusin. Ako rin ay curious sa company na 'to. He's wasting his whole time just to survive this company so how come? How come na walang nangyayaring improvement? I bet someone's sabotaging all his plan as well as the funds of the company. The more na ginagawa niya ang best niya, the more na naglalabas siya ng pera para sa company, lalo lang itong bumabagsak which is kaduda-duda naman talaga.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon