CHAPTER 33

745 16 8
                                        

ACYLLE'S POV

Ang sakit ng ulo ko, tangina!

Kinapa ko ang paligid ko. Malambot ang kama, halatang hindi akin. Kakaiba rin ang nararamdaman ko sa katawan ko. Masakit ito at tila binugbog. Ididilat ko na sana ang mata ko nang makarinig ako ng ungol sa tabi ko. Ungol ng isang lalaki. Gumalaw ang kama kaya naman mas diniin ko pa ang pagpikit ng mata ko.

Teka....

May lalaki?!

Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko sabay silip sa loob ng kumot. Gano'n na lamang ang paglaki ng mata ko nang makitang wala akong suot na damit at hubo't hubad ang aking katawan. Titili sana ako ngunit mas minabuti kong ipikit na lamang ang aking mata at magpanggap na tulog. Pilit kong inaalala ang nangyari sa akin kagabi. Ang huli kong natatandaan ay may kung sinong lalaki ang bumuhat sa akin. Hindi ko ito kilala at lalong hindi ko kabisado ang katawan niya. Ibig sabihin ba no'n nakipagtalik ako sa hindi ko kilala?

NO WAY!

Hindi puwede! Kapag nangyari 'yon talagang wala na akong mukhang ihaharap maging sa anak ko! Hindi puwede! Gusto kong maiyak sa katangahang nangyari sa akin.

Pinakiramdaman ko muna ang lalaking na sa tabi ko. Hindi ko mawari kung haharap ako upang makita ang mukha nito o mananatili akong nakatalikod at nagpapanggap na tulog. Muli itong gumalaw kaya pinikit kong muli ang mata ko. Naramdaman ko pang inayos niya ang kumot na nakatabon sa katawan ko at tumayos.

Nang hindi ko na maramdaman ang presensya niya saka ako dumilat at tumihaya. Nanlaki ng husto ang mata ko ng makita kung sino ang lalaking 'yon.

Bakit siya?!

“Mabuti naman gising ka na,” sabi nito sa akin. Kasalukuyan siyang nagsusuot ng pantalon niya.

Nalagok ko ang sarili kong laway sa kaba. Binuhat ko ang katawan ko upang makasandal sa headboard ng kama at maka-upo. Masakit ang pagkababae ko. Hindi birong sandata ang pumasok.

“A-Anong nangyari?” Bumilis ang tibok ng puso ko sa kaba.

“Hindi pa ba halata? May nangyari sa atin.” Pilosopong sagot niya.

“P-Paano?” Takang tanong ko. Puzzle pa rin sa isip ko kung paanong may nangyari sa amin?

“Tss, idi-describe ko pa ba sa'yo? Hindi ka naman siguro tanga 'no?” Aba't gagong lalaki 'to, ah!

“Tangina ka ba?!” Hindi mapigilang anas ko.

He shrugged his shoulder. “Malay ko. Makakatayo ka ba? Need mo bang tulungan kita?” Lumapit siya sa akin na ikinaatras ko.

“Aish! Relax lang! Tapos na ako diyan. Wala na akong gagawin sa'yo ngayon. Tinulungan ko lang si Tiarra na maging success ang plano niya para sa'yo.” Umupo siya sa gilid ng kama.

Hindi na ako naka-imik pa. Ito pala ang plano ni Tiarra. Ang paglaruan ako.

“B-Bakit k-ka n-nakangisi?” Ang creepy ng ngisi niya.

He shook his head. “Nothing. Na-miss ko lang 'yang katawan mo.” Kinagat niya ang ibabang labi niya na ikinataas ng balahibo ko.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon