ACYLLE'S POV
Pareho kaming hindi pumasok ngayon ni Hammer upang pag-usapan ang gaganaping kasal namin sa susunod na linggo. Oo, sa susunod na linggo na agad at siya ang may sabi no'n. Gusto na raw niyang maging opisyal na asawa ko at wala naman akong angal sa sinabi niya. Sa totoo nga ay masaya ako. Sa wakas, ikakasal na rin ako at this time sa tamang lalaki na. Sa lalaking binigay sa akin ang lahat at pinaramdam sa akin na isa akong prinsesa. Pinatunayan niya sa akin na hindi lang ang ex ko ang makakatagal sa ugali ko kung 'di siya rin. Kaya naman nagpapasalamat ako na dumating siya sa buhay ko.
“Sa judge na lang muna?” Paniniguradong tanong ko. Naglilista ako ng mga plano namin ngayon.
“Yup. Pareho pa tayong walang consent ng magulang natin kaya sa judge na lang muna. Okay lang ba sa'yo?”
Tumango ako. “Oo naman! Wala namang kaso sa akin ang mahalaga makasal tayong dalawa,” sabi ko at ngumiti.
Nginitian niya ako pabalik. Kinuha niya ang isang kamay at hinalikan ito. Rinig namin ang hagikhikan ng mga maid na kinikilig.
“Hay sa wakas! Nagkaroon na rin ng lablayp si Sir!” Parinig ng isang katulong.
“Oo nga! Akala ko tatanda ng binata si Sir!” Panggagatong naman ng isa.
Nagsalubong ang kilay ni Hammer habang nakatingin sa kanila.
“Kaysa pinagti-tsismisan niyo akong dalawa diyan bakit hindi na lang kaya kayo magluto ng meryenda naming dalawa ng reyna ko?” Mataray na sabi niya sa mga ito.
“Asus! Si Sir ayaw mabuking sa harapan ni ma'am!” Dagdag na pang-aasar nila.
“Ito naman masyadong mainit. Bakit akala niyo magiging matandang binata ang Sir niyo?” Tanong ko. Inikot ko ang katawan ko upang harapin sila.
“Kasi, ma'am iyang si Sir mapili sa babae. Ang arte niyan!”
“Bakit hindi ako mag-iinarte guwapo naman ako?”
Humarap ako sa kaniya. “Hammer, ang pagiging assuming nilulugar, okay?” Mahina kong tinapik ang tuhod niya.
“Seriously, my queen?” Seryoso at 'di makapaniwalang tanong niya.
Malakas na natawa ang dalawang maid sa likuran. Tumango ako upang dagdagan pa ang pang-aasar sa kaniya.
Ngumisi siya ng malapad sabay inayos ang kaniyang pagkaka-upo. Sinandal niya ang kaniyang likod at dumekwatro. Ginaya ko ang ginawa niya. Sumandal din ako sa upuan at dumekwatro pero pinag-cross ko aking kamay para mag-mukhang mataray. Nagtaas pa ako ng kilay. Malay mo naman matakot siya.
“Anong mayroon sa tingin na 'yan, my queen?” Umigting ang panga niya.
Ang sexy, puta!
“W-Wala!”
“Mag-aaway ba sila?”
“Tingin mo ba?”
“Hindi ko alam, eh!”
“I think, kailangan ng mga katulong ngayon ng 2 days day off,” panimulang sabi niya. Tumingin siya sa dalawang maid. “I think kailangan nga. Mag-uusap kasi kami ng future wife ko ng KAMING dalawang lang.” Diniin niya ang salitang "kaming" na tila may tinutumbok.
![](https://img.wattpad.com/cover/334139282-288-k133130.jpg)
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...