CHAPTER 32.1

684 16 3
                                    

Continuation....

ACYLLE'S POV

Nagsimula na ang party. Inuman, sayawan, malakas na musika, at syempre mawawala ba ang sigawan? Halos hindi na kami magkarinigan ng mga kasama ko sa dance floor. Panay ang sayaw ko. Sumasabay sa saliw ng tugtugin ang aking katawan habang may hawak na baso na may lamang alak. Since this is a party organized by our very stupid boss, mag-i-enjoy ako. I don't want to ruin the mood of this party just because of our misunderstanding. Ayaw ko ring masira ang mood ko syempre. Kapag nasira ang mood ko hindi ko na ma-i-enjoy ang party na 'to. I should let him do what he want.

Besides, nakita ko si Tiarra rito kanina. Mawawala ba naman siya sa party ng boyfriend niya? Biggest achievement ng company 'to at ang nagma-manage ay ang matinong boyfriend niya, syempre nandito siya. Kanina pa nga niya ako sinisiringan. Wala pa akong ginagawang masama sa kaniya partida.

“Napapansin ko lang parang hindi maganda ang tingin sa'yo ni Ma'am Tia, ah,” pabulong na sabi ni Messy—katrabaho ko.

Na sa isang table kami ngayon. Napagod na kami kasasayaw kaya niyaya niya akong umupo muna at uminom ng alak. We both staring at Tiarra. She's side eyeing on me.

“Hindi naman talaga maganda ang tingin niyan sa akin dati pa.” Wala lang talaga siyang magawa sa akin dati dahil nandiyan si Hammer pero ngayong hawak na niya ito, ginagawa na niya lahat ng gusto niya.

Tsss, larong pambata pala ang nais.

“Dati? Magkakilala na kayo noon pa?” Gumuhit ang kyuryusidad sa kaniyang mukha.

Hilaw akong napangiti habang nakatuon ang tingin sa basong may laman na alak. Iniikot-ikot ko ito at pinagmamasdan ang bawat pag-untog ng yelo sa gilid ng baso.

“Past naman na 'yon.” I sighed. “We don't have to mention that thing or else...” Tumingin ako sa kaniya ng nakangiti. “Magkakagulo lang.” Nilagok ko ang alak na nasa baso.

Gaya nga ng sabi ni Hammer puro ladies drink lang ang binibigay sa akin ng mga bar tender. Bukod sa akin lahat sila puwedeng uminom ng gusto nilang alak. I know his intention pero masyadong boring ang ladies drink. Wala rin naman magtatangkang saktan ako dahil wala namang ibang tao rito bukod sa amin. Nirentahan ni Hammer ang buong bar, pati ang mga VIP room ang at mga exclusive room para sa may mga gustong gawin na kababalaghan.

Siguro gusto nila ni Tiarra gumawa ng kababalaghan after the party kaya pati iyon sinama niya. Hindi ko na ipagtataka 'yon. Wala naman talagang nakakapagtaka kapag isang higad. Bukod sa pagiging makati ang talent, naging major din niya bakuran ang kahit hindi pa naman niya pagma-may-ari.

Hypocrite!

“Ayt! Ano ka ba?! Madadaan pa 'yan sa usap!”

“Huh?” Lumaki ang mata ko sa sinabi niya.

Hinampas niya ang mesa sabay tumayo. “Alam mo dapat kausapin natin si Ma'am Tia! Magandang gabi 'to! Masyadong maganda at hindi ka dapat nagpa-party ng may kaaway! This matter can be fix, I swear!”

Pinagsasabi ng tangang 'to?

Nagugulumihanan akong tumingin sa kaniya. Kita ang determinasyon sa mukha niya at halatang naniniwala siya sa sarili niyang sinabi. Maaayos sa usap? Kung p'wede lang sana matagal na naming ginawa 'yon at hindi umabot sa pag-aagawan kay Hammer.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon