ACYLLE'S POV
Na sa beach kaming dalawa ni Hammer ngayon. Last two days na lang namin at babalik na kami sa Manila kaya naman sinusulit na naman ang lahat. Ako ang nagyaya sa kaniya rito para naman maka-relax niya. Throughout our stay here in Palawan parang puro na lang trabaho ang inisip niya. Imbis na mag-enjoy siya problema pa ang inabot niya. Wala naman sigurong mali kong kakaladkarin ko siya para magsaya, I mean I am just making him feel na hindi sayang ang pagpunta naming dalawa rito sa Palawan.
Iisipin ko pa kung paano ko ipapaliwanag kay Lucille ang lahat ng ito kapag bumalik kami. Panigurado magugulat ang babaeng 'yon, baka hindi pa nga maniwala sa sasabihin ko.
“Dito!” Pumwesto ako sa lugar kung saan wala masyadong tao. “Dito na lang tayo mag-sunbathing!” Turo ko sa buhangin.
“Are you sure about this?”
Hinarap ko siya. “Oo nga! Ano bang pino-problema mo?” Pikon na tanong ko.
“Baka mamaya kasi umuwi tayo sa Manila ng sunog ka tapos iiyak-iyak ka sa akin. Kilala na kita, Acylle,” aniya.
“Excuse me?!” Umangal ako. “Gano'n ba talaga ako kaarte?” Parang hindi naman, parang konti lang naman.
Tumango siya. “Yup! Kaya nga tinatanong ko sa'yo kung magsa-sunbathing ka talaga ng naka-one piece.” Turo niya sa akin mula ulo hanggang paa.
“Syempre naman! Sayang effort ko ng pagdadala nito kung hindi ko magagamit 'no!” Hinubad ko ang scarf na nakatabon sa may ibaba ko.
Mabilis siyang lumapit sa akin sabay binalik ang pagkakatali ng scarf sa baywang ko. Like what I am expecting magiging protective talaga siya kahit alam niyang na sa beach kami.
Tumingala ako sa kaniya habang tinatali niya ang scarf sa baywang ko.
“Bakit mo binabalik 'yan? Am I not sexy kaya ayaw mong hubarin ko 'yan?” Panggi-guilt trip ko.
Napatigil siya sa ginagawa. “What? Hindi gano'n!” Tanggol niya sa sarili.
“Oh, eh, bakit ayaw mo 'kong naka-ganito? Dahil ba hindi maganda katawan ko like your past girl?“ Nilalamon na naman ako ng overthink.
Umiling siya. Natapos na pala niyang itali ang scarf sa baywang ko.
Hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “You! Stop saying that you're not beautiful! Stop comparing yourself to others because in my eyes, you're the most beautiful woman, the perfect woman. Kapag hindi ka pa tumigil sa kuwarto tayo mag-uusap!”
“Na sa beach tayo, Hammer. Wala tayo sa hotel.”
“Alam ko. Madali lang naman bumalik sa hotel tapos doon tayo mag-usap ulit,” pilyong sabi niya sabay ngumisi.
“Mama mo!”
Nilatag ko na lang ang dala kong blanket. Nilabas ko ang sunblock lotion ko at sinimulang lagyan ang kamay at hindi ko. Naglatag din si Hammer sa tabi ko tapos umupo. Nakatingin siya sa dagat ng seryoso. Sobrang init pero parang hindi natatakot si Hammer na umitim. Kung ako nga takot na takot. Sayang naman ang kojic kung iitim lang ako.
“Do you think everything I did in this island is worth it?” Tanong niya na hindi ko alam kung saan niya hinugot.
“Bakit mo naman natanong?” Balik tanong ko habang naglalagay ng lotion sa hita.
“Nothing.” Tinukod niya ang dalawang kamay niya sa likuran. “Naisip ko lang kasi na after all my effort in this island hindi pa rin naman ma-a-appreciate ng magulang ko.” Nahiwagaan ko ang lungkot sa kaniyang boses.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...