ACYLLE'S POV
Hinatid niya ako kahapon pero hanggang sa gate lang nila Gray—umalis na agad siya. Sabi niya may emergency sa company pero halata namang may iniiwasan siyang tao.
Bitbit ang lunchbox na pula, pumasok ako sa entrance ng company. Nagpaluto siya sa akin ng adobo at menudo dahil miss na raw niya. Nilagyan ko na rin ng kanin para agahan niya. Nag-mukha tuloy akong asawa na maghahatid ng pagkain. Umiling na lamang ako sa ideya na naisip ko. Kagabi ko pa pinaghahandaan ang kung ilang sampal ba ang igagawad ko kay Tiarra. Sobra na siya sa kalokohan niya. Hindi ko na siya kaya!
Nilapag ko agad ang dala ko sa mesa niya. Tinignan niya lamang ito sabay angat ng tingin sa akin. Malapad siyang ngumiti.
“You look beautiful today,” pambobola niya na ikina-irap ko.
“Huwag mo na nga akong bolahin. Kainin mo na lang 'yan.” Umupo ako sa sofa at sinandal ang aking likod.
“Huh? Kainin kita? Masyado pang maaga, puwede mamaya na lang after breakfast ko?” Pinanlakihan ko siya ng mata. Ngumisi lamang siya.
“Tumigil ka nga, Hammer!” Saway ko sa kaniya. “Mamaya marinig ka na naman ng girlfriend mo! May atraso pa 'yon sa akin!”
“Relax. Mga isang linggo siyang mawawala.” Siguradong sabi niya. Kumunot naman ang noo ko sa pagtataka.
“Paanong isang linggo?” Palaging nandito 'yon. Maliban na lang kung nag-away silang dalawa.
“Pinarusahan ko na siya para sa'yo don't worry.”
“Pinarusahan? Paanong...” Bakit naman niya gagawin 'yon?
Tumango siya. “Alam mong ayaw kong may nananakit sa'yo. Kahit girlfriend ko siya, parurusahan ko siya kapag ikaw ang inaway niya.” He smiled sweetly.
Nakaramdam ako ng munting kilig sa sinabi niya. Para sa akin malaki na ang ginawa niyang pagganti. Inaasahan ko kasi na hindi niya parurusahan si Tiarra dahil girlfriend niya. I didn't expect na uunahan niya ako. Napangiti na lamang ako sa kawalan. Pinanood ko siya habang masayang kinakain ang luto ko. Matagal na rin simula nang huli ko siyang makitang nag-i-enjoy sa pagkain na ako mismo ang nagluto.
Napailing ako at pumunta sa table ko. Magsisimula na nga akong mag-trabaho baka maubos na lang ang oras ko kaka-titig sa kaniya. Sinimulan ko ng asikasuhin ang mga papel na nasa ibabaw ng table ko. Hinayaan ko na lamang siyang kumain. Ang sabi nga niya hindi matatapos ang trabaho ko kung titig lang ako sa kaniya maghapon. Minsan hindi ko maintindihan kung baliw ba ang boss ko na 'yan o baliw talaga siya. Pero, maganda na rin ang ganiyan siya. Kumpara sa pakikitungo niya sa akin noong una akong dumating sa company niya, mas maganda na ngayon. Marami akong natatanggap na special treatment.
“Acylle...”
“Oh?” Sagot ko sa pagtawag niya ng hindi man lang siya nililingon.
“Can you please come here?” Pakiusap niya. Napatingin ako sa kaniya.
I frowned. “Bakit? May kailangan ka ba?” Tumayo ako at lumapit sa kaniya. “Sabihin mo na agad. Marami pa akong—AYYY!” Napatili ako sa huli kong sasabihin nang hilain niya ako at napa-upo sa hita niya.

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...