ACYLLE'S POV
Nagising ako dahil sa malakas na tilaok ng manok. Anong oras na ba? Bakit parang ang taas na ng sikat ng araw? Bakit ang lamig? Sinilip ko ang katawan ko sa loob ng kumot.
Nakahubad ako?
Oo nga pala. May ginagawa pala kami ni Hammer kagabi. Kaya naman pala masakit ang pagitan ng hita ko. Aba, malay ko ba na ganoon pala kalaki ang tinatago ng lalaking 'yon? Sabi kasi nila kapag pinoy daw huwag umasa na malaki. Five to six inch lang daw talaga. Kaya naman hindi rin ako umasa na malaki 'yon tapos no'ng... Tangina, nagulat talaga ako. Hindi ko akalaing buhay pa ako ngayon.
Pinilit kong umupo kahit masakit ang pagkababae ko. Hindi ko inaalis ang pagkakatapis ng kumot sa katawan ko.
“Hey!” Bati sa akin ni Hammer. Lumapit siya sabay umupo sa gilid ng kama.
“Hey?” Gandang good morning no'n, ah. Nakakabanas!
“Good morning,” nakangiting bati niya, hinalikan niya ako sa pisngi.
Anong nangyari sa lalaking 'to? Bakit ang sweet?
“Good morning?” Alangang bati ko sa kaniya.
Natawa siya. “So, how's your sleep, huh? Hindi ka naman nilalagnat o ano?”
“At bakit naman ako lalagnatin?”
“Pft, sabi mo kasi kagabi itong little friend ko ang dahilan kung bakit ka mamamatay, eh.” Natatawang saad niya.
Inirapan ko siya. “Talaga naman. Wala kang sinabi na kabaliktaran pala ng little ang tinutukoy mong friend mo, hmp!” Muntik na akong mahimatay sa kaba kagabi.
Tumawa lang siya. Natahimik kami, nakikiramdam lang ako kung sino ang unang magsasalita sa amin. Tumingin ako sa ibaba habang nilalaro ang daliri ko.
“Hammer.” Tawag ko sa kaniya.
“Hm? Yes?”
Inangat ko ang aking ulo. “W-We did that thing pero... a-ano ba tayo?” Nauutal na tanong ko. “I-I mean, a-ano na nga ba t-tayo?” Baka kasi wala lang sa kaniya ang ginagawa namin kagabi.
“Friends with benefits!” Mabilis at proud na sagot niya.
Umawang ang aking labi at hindi makapaniwalang tumingin sa kaniya. Malakas ko siyang binatukan na naging dahilan ng pagyuko ng ulo niya.
“Tangina ka ba?!” Hindi mapigilang mura ko sa kaniya. Matapos niyang wasakin ang pusa ko talagang FuBu lang?!
“A-Aray naman! Brutalism! Parang kagabi lang sarap-sarap ka, todo ungol ka pa sa pangalan ko tapos ngayon sinasaktan mo na ako?! Matapos mong kunin ang dangal ko aawayin mo na lang ako! Babae nga naman!” Pagda-drama niya.
Nakatikim siya lalo sa akin ng sunod-sunod at walang humpay na hampas sa balikat. Todo ilag siya pero tinatamaan ko pa rin.
“Isa! Kapag hindi ka pa tumigil kakahampas talagang iisahan pa kita!” Natigil ako sa sinabi niya. “Tss, titigil ka rin pala!” Umayos siya ng pagkaka-upo.
“Huwag mo nga akong kausapin! Lumabas ka!” Taboy ko sa kaniya habang nakaturo palabas sa pinto.
“Oh, chill. High blood na naman, eh!”

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...