This chapter is dedicated to Anonanamanyanking and @ann_toot can't mention you but thank you!
ACYLLE'S POV
"Buo na ba talaga ang desisyon mo?" Paulit-ulit na tanong sa akin ni Lucille. Matapos ang mahabang pag-iyak ko kahapon, hindi na ako naka-uwi. Dito na ako natulog sa kanila kasama ang anak ko.
Tumango ako habang inaayos ang sarili ko sa salamin.
"Paano kung hindi ka niya pakinggan? Paano kung galit na galit pa rin siya sa'yo hanggang ngayon? Anong gagawin mo?"
Hinarap ko siya. "Hindi ko alam. Ang gusto lang mangyari ay magpaliwanag sa kaniya tapos aminin sa kaniya na may anak kaming dalawa." Peke akong ngumiti. "Kung ano man ang kalalabasan ng gagawin ko, bahala na si batman. Gusto ko lang naman aminin sa kaniya ang lahat."
Tinapik niya ako sa balikat. "Alam ko. Alam ko ang intention mo pero... gaya nga ng sinabi mo kahapon galit na galit siya sa'yo. Paano niya paniniwalaan lahat ng sinabi mo?" Puno pa rin ng pag-aalala ang mukha niya.
"Sabi ko nga hindi ba? Paniwalaan man niya ako o hindi, wala na akong pake. Ang mahalaga masabi ko sa kaniya ang totoo." Binaba ko ang kamay niya'ng nakapatong sa balikat ko. "Kaya ko na 'to, okay? Ako na ang bahala sa part na 'to. Iiwan ko muna sa'yo si Astrea. Ayaw kong masaksihan niya kung ano man ang mangyayari sa pag-uusap namin ni Hammer. Ayaw kong magtanim siya ng galit sa daddy niya."
Tumango siya. "Basta... mag-iingat ka, ha! Kung hindi man maging maganda ang usapan ninyo ni Hammer tapos hindi siya maniwala na anak mo si Astrea... nandito naman kami ni Gray. Handa ka naming suportahan."
Naantig ng husto ang puso ko sa sinabi niya. Siya lang talaga sa lahat ng pinsan ko ang nakakaintindi sa mga iniisip ko. Malaking pasalamat ko sa kanilang dalawa ni Gray. Marami rin silang ginagawa ngunit inaalagaan pa rin nila si Astrea. Para sa akin na single mom, pinalaki si Astrea ng mag-isa, malaking tulong na ang nandiyan si Gray at Lucille na nagbabantay sa kaniya. Hindi ko na kailangan humanap ng yaya para mag-alaga sa anak ko at hindi ko na kailangan mag-alala. Sila na mismo ang nag-volunteer na gusto raw nilang bantayan si Astrea para na din daw masanay na may kalarong bata. Pumayag na ako tutal pamangkin naman na nila ang anak ko plus alam kong magiging magkasundo sila nila Zhairo.
Medyo lang dahil minana ng anak ko ang kamalditahan ko. Pero dahil sa kanila natutong makipag-socialized si Astrea. Isa 'yon sa magandang naidulot ng dalawang magkapatid.
--------
Nakatayo ako sa tapat ng building. Kinakabahan ako hindi pa man ako nakakatapak sa entrance. Bumuntong-hininga ako bago inayos ang I'd ko at pinakita sa guard upang makapasok ako. Agad naman akong nakapasok. Mabuti na lang at tinakpan ko ng consoler ang aking eye bags. Naitago ang resulta ng pag-iyak ko magdamag. Napa-inom pa ako ng alak habang nagra-rant kay Lucille. Siya naman nakikinig lang tapos tinatapik-tapik ako. Kapag umiiyak na ako niyayakap niya ako. Ang angas nga, naalala ko 'yong mga sinabi ko kagabi tapos 'yong nangyari sa amin ni Hammer hindi.
Nakarating na ako sa floor kung saan ang office ni Hammer. Habang naglalakad ako papunta roon, nakarinig ako ng usapan ng dalawang tao. Pamilyar ang boses nito.
"Basta, manahimik ka lang sa nangyari at tataas agad ang promotion mo."
"Promise, ma'am? Nagawa ko na po ang gusto niyo. Sana naman..."

BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...