CHAPTER 28

964 25 6
                                        

ACYLLE'S POV

Nanlumo ako at bumagsak ang aking balikat ng hindi na makita ang front desk sa tapat ng opisina ni Hammer. Mukhang last day ko na nga talaga kahapon. Wala na ang desk ko, wala na ang mga gamit ko. Ready to claim na yata tapos layas na ako. Kawawa naman ako. Pinatalsik sa trabaho dahil lang sa pagtapak ko sa paa niya. Kahit sino naman sigurong boss gagawin 'yon lalo na't below the belt ang ginawa ko. Literal na below the belt kasi sa paa.

"Mrs. Quimpo?"

Nilingon ko ang tumawag sa akin. "Bakit?"

"Sabi ni Sir. Coulter na kapag dumating ka pumasok ka agad sa loob. Huwag ka ng tumunganga diyan dahil mukhang wala siya sa mood. Ang aga-aga salubong kilay niya!" May pananakot na aniya.

Lalo na lang akong kinakabahan sa pesteng 'to. Kailangan pa bang sabihin kung anong mood ng lalaking 'yon? Malamang talagang galit at wala sa mood 'yon dahil sa ginawa ko!

Isang lakas ng loob at lalim ng hininga muna ang hinugot ko bago pihitin ang doorknob ng pinto. Sa maliit na butas, sinilip ko kung nasaan siya ngunit wala akong nakitang tao. Baka na sa cr pa siya. Dahan-dahan ko itong binuksan ng malaki. Umawang ang aking labi sa pagbabago ng opisina niya. Naging konti ang gamit nito at naging mas malinis. Kapansin-pansin din ang chandelier na malaki sa gitna.

Nilibot ko ang tingin ko at napagtantong malaki nga ang pagbabago. Nalipat ang puwesto ng sofa. Kung dati ay na sa may pinto ito, ngayon na sa gitna na ito.

"You're here." Napapitlag ako sa gulat. Mabuti napigilan ng bibig ko na maglabas ng bastos na salita.

"What are you looking at? Magsimula ka na ng trabaho mo," taas kilay na may pagsusungit na tonong sabi niya.

"Huh? Pardon me?" Wow, english!

"I said, start your work now. 10 minutes ka ng late, Mrs. Quimpo."

"Saan naman ako magta-trabaho? Inalis mo kaya ang desk ko! Akala ko tanggal na ako." Kinabahan ako ng mga bente sa akala kong 'yon, ah.

He rolled his eyes like a woman. "Nakikita mo 'yon?" Turo niya sa isang table. Tumango ako. "Doon ka. Don't you ever dare to make a noise while I am working. I let you share with my office so mind your behavior."

"Eh, sino ba kasing may sabi na doon mo i-puwesto ang desk ko? Okay naman na ako sa labas." Marami pa akong ka-chismisan doon. Ang dami kong nasasagap na chismis.

"Para ano? Maglandian kayong dalawa ng assistant ko?" Abot langit ang taas ng kaniyang kilay.

"Luh? Landian agad? Hindi ba puwedeng nag-uusap lang kami?" Depensa ko.

"So nag-uusap nga kayo outside my office? Wow! Just wow!" Nang-uuyam siyang natawa. In a flash, his expression changed into serious mode. "Start your work now, Acylle before I forgot that you are my secretary." Nagdadabog niyang hinila ang upuan at pabagsak ang katawang upuan doon.

Ano bang nangyayari sa lalaking 'yon? Napaka-init naman ng ulo kahit makulimlim ang panahon. Pero in fairness, ang guwapo niya ngayon. Kanina pa kami nag-uusap pero ngayon ko lang napansin na nakatali ang buhok niya. Wala na rin ang messy na balbas sa mukha niya. Talagang may kakaiba sa kaniya na hindi ko mawari. Bahala na. Mahalaga hindi niya ako inalis sa trabaho pero inalis niya ang karapatan kong makipag-chismisan. Sayang naman. Kapag na sa labas pa naman ako ang dami kong balita na naririnig kahit hindi ko naman dapat marinig.

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon