This chapter is dedicated to Miss_Innoccent and @yourmoonlight can't mention but thank you so much po!
ACYLLE'S POV
Today is the wedding day. Katatapos lang ng parang pictorial kanina. Pinagmamasdan ko ang sarili ko A harap ng malaking salamin. Make-up pa lang ang meron sa mukha ko. Hindi ko pa sinusuot ang wedding dress. Nandito ang anak ko sa tabi ko at nandito rin si Jaydeen. Siya pa nga ang nag-make up sa akin. Hindi niya ako pinagkatiwala sa ibang tao dahil baka imbis na pang-kasal ang maging make up, maging pang-burol.
“Sarili mo naman kaya ayusan mo, gaga?”
“Ih! Manahimik ka nga! Alam kong pareho nating ayaw ang araw na 'to pero hindi naman puwedeng magmukha kang patay sa harapan ko! Baka ipasapak kita kay father!” Aniya habang nilalagyan ng blush on ang mukha ko.
“Ang arte mo naman!“
“Maarte na kung maarte. Look at your baby girl, pumayag no'ng sinabi kong ako ang mag-aayos sa kaniya. Gusto niya kasi maging maganda. Gano'n ka rin dapat. Chaka ka na nga gusto mo pa lalong magmukhang chaka!” May halong panlalait niya sa akin. Friendly panlalait naman daw 'yan pero ang sarap pa rin niya sapakin.
Umikot ang mata ko sa gigil. Kung hindi lang nanonood ang anak ko baka kanina ko pa siya sinaktan. Ayaw kong nakakakita si Astrea ng hampasan o nagsasakitan kaming dalawa ni Jaydeen. Baka isipin niyang normal lang saktan ang kahit sinong kausap niya dahil biro lang. Hangga't maaari pinapalaki ko si Astrea bilang isang babae hindi garapal na babae kagaya ko. Hindi ko nga siya tinuturuan magmura. Ayaw kong naririnig na nagmumura siya. Palamura na ako kaya huwag na niyang gayahin.
Nakakalungkot lang, pinalaki ko ng maayos ang anak ko pero lalaki pa rin ng hindi kilala ang tatay. After ng wedding na 'to mangingibang bansa na kami nila Jaydeen. Doon naman ipa-process ang annulment namin. Kapag maayos na sa Pilipinas saka na kami babalik. Nangako naman kami sa isat-isa na hindi kahit anong mangyari ire-respeto namin ang gusto namin. Siya na rin muna ang tatayo na tatay sa anak ko. Ang suwerte ko talaga sa best friend kong 'to!
“Wow, mommy ang ganda mo po!” Pumapalakpak na puri sa akin ni Astrea.
“Ganda ni mommy 'no? Syempre si Dada ang may gawa niyan!” Nag-apir silang dalawa.
“Ang galing mo po, Dada!” Malapad ang ngiting puri sa kaniya ng anak ko. Nagngingitian sila sa isat-isa.
“Ako lang 'to!” Kita ko ang pag-flipped ni Jaydeen sa reflection ng salamin.
“Oo na! Magaling ka na! Lumabas ka na at ayusan mo na ang sarili mo!” Taboy ko sa kaniya.
“Wow, accla! Wala man lang thank you?” Sarcastic na tanong niya.
Umikot ang mata ko. “Thank you! Okay na ba?”
“Pangit mo talaga ka-bonding, bakla!” Bumusangot siya. Akala mo naman inaway talaga.
Napilitan siyang lumabas dahil pinagtutulak ko siya. Tinatawanan naman kami ng anak ko. Alam niyang ganito kami magbiruan ng Dada niya. Isang halik pa ang ginawad sa kaniya ni Astrea sa pisngi bago siya tuluyang lumabas. Nakahinga na ako ng maluwag ng kaming dalawa na lang ng anak ko ang na sa loob ng kuwarto. Gusto kong mag-isip kung paano ko bibigyan ng happy ending si Jaydeen at ang boyfriend niya. Ilang oras na lang magsisimula na ang kasal. Sana bago man lang kami umalis ng bansa makausap niya ito kahit sandali lang. Kahit kalahating oras lang basta magkaroon sila ng linaw sa isat-isa.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
