CHAPTER 5

1K 23 6
                                        

ACYLLE'S POV

Anong nangyari kagabi? Bakit sobrang sakit ng ulo ko?

Kinurap-kurap ko ang aking mata habang pinipilit na sariwain ang nangyari kagabi. Tanging na-aalala ko lang ay may lumapit na lalaki sa akin tapos sumayaw kami sa dance floor. Wala na akong maalala after no'n. May nagawa ba akong hindi maganda? Aish! Sabi ko maglalabas lang ako ng sama ng loob ko ang ending hindi ko na alam lahat ng ginawa ko!

Ang tanga mo, self!

Tumayo ako at lumabas ng kuwarto. Naabutan ko si Hammer na humihigop ng kape sa mahabang sofa habang nagbabasa ng dyaryo. Naka-de kwatro ang kaniyang paa. Pinsyunado ang datingan ng mokong na 'to. Saan kaya nagpunta 'to kagabi? He looked at me for a moment then immediately returned his gaze to the newspaper he was reading.

Problema nito?

I just ignore his behavior. Naglakad na lamang ako patungong kusina. Nang makarating ako ay agad akong naghanap ng makakain. Sakto naman at may nakahain na bacon, omelette, fried rice, mainit pang mushroom soup, at saka gatas. Napakunot ang noo ko. Hindi ganito ang hinahain sa amin ng hotel, saan kaya galing 'to? Umiling na lamang ako at winaksi ang na sa isipan ko. Nagugutom na ako kaya wala akong oras para mag-isip. Umupo na ako at nagsimulang kumain. Pakiramdam ko tatlong taon akong hindi kumain sa sobrang gutom.

Habang busy ako sa pagkain biglang pumasok si Hammer sa kusina. Akala ko papansinin niya ako ngunit laking pagtataka ko ng lampasan niya lamang ako.

Galit ba siya?

“Hoy!” Tawag ko sa kaniya, kumagat ako ng bacon.

“Hoy, pokpok!” Ayaw ako pansinin.

“HOY!” Malakas na sigaw ko sa kaniya.

“Stop yelling, Acylle, I can hear you,” cold na aniya. Anong nangyari sa lalaking 'to?

“Pupunta tayo sa property niyo?” Bahala na basta may ma-topic lang.

Hindi agad siya sumagot, naghuhugas siya ng basong pinagkapehan niya kanina.

“Ako lang,” tipid na sagot niya.

My eyebrows met again. “So, anong gagawin ko rito?!” Daig ko pa binuburo, ah!

“Wala.” Umawang ang labi ko dahil sa tipid ng sagot niya.

Natapos na niyang hugasan ang baso at nilagay na iyon sa lagayan. Pinunasan niya ang kamay niya bago lumakad paalis. Agad ko namang nahila ang kamay niya kaya napigilan ko rin ang pag-alis niya.

“Galit ka ba?” Tanong ko. Feeling ko kasi oo.

He just looked at me seriously. I didn't see any expression on his face. I feel like I'm holding on to a stump right now.

“Galit ka?” Tanong kong muli. He didn't answer again.

Winasiwas ko ang kamay niya na hawak ko. “Ano nga kasi, Hammer? Galit ka ba?!” May halo ng pamimilit na tanong ko.

Kapag ito hindi pa sumagot sasaksakin ko talaga 'to ng tinidor sa puwit!

“What do you think?” His deep voice convince me that he's is mad.

I pouted my lips. I looked down then slowly looked up. I looked at him cutely while still pouting. Nag-puppy eyes ako.

Tangina lang para akong tanga!

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon