CHAPTER 27

761 19 1
                                        

ACYLLE'S POV

Mahigit isang linggo ng maganda ang usapan namin ni Hammer palagi. He's smiling at me pero hindi ngiting-ngiti. Basta nakangiti siya. Ayon lang din naman ang importante sa akin. He's smiling in front of me, bumabalik ang courage ko na magpakatotoo sa kaniya.

“Look who's here inside my boyfriend's office.” Napataas ang kilay ko sa bungad ni Tiarra. Kadarating lang ng babaeng 'to nang-aaway agad.

“Hey, honey!” Pumunta siya sa likuran ni Hammer at hinalikan ito sa pisngi. Kung tapyasin ko kaya nguso nito?

“Anong tinitingin-tingin mo diyan?” Mataray na tanong niya. “Why is your chair next to my boyfriend?! Nilalandi mo siya!” Akmang sasaktan niya ako ngunit sinalo ni Hammer ang kamay niya.

“We are working here,” malalim ang boses na tugon niya kay Tiarra.

“Working?! Working ng ganiyan kadikit?! Niloloko niyo ba ako?!” Hiyaw niya.

“Bakit, Ms. Tiarra? Natatakot ka ba na maagaw ng isang may asawa na ang boyfriend mo?” Dinadagdagan ko lang ang inis niya at nagtagumpay nga ako.

Namula ang kaniyang mukha sa galit. Tila umuusok na ang ilong niya at sobrang sama ng titig niya sa akin.  Nginisihan ko pa siya upang mas lalo siyang mayamot.

“You!” Duro niya sa akin. Gusto niya akong sugurin ngunit pinigilan agad siya ni Hammer sa pagyakap sa baywang niya.

“I will kill you, bitch!” Galit na galit na sigaw niya.

“Ayst! Sobrang init naman ng ulo mo!” I flipped my hair. “We are just working here, Ms. Tiarra. Aba'y kung may alam ka ba sa mga papel na 'to aalis na agad ako ang kaso wala kang alam. Baka ang alam mo lang magpatuhog nang magpatuhog.” I curved my lips as I puppy eyes.

“Enough with that, Mrs. Quimpo! She's still my girlfriend. I-respeto mo siya!” Tinaasan ako ng boses ni Hammer.

Napayuko ako sa hiya. Nakalimutan kong hindi na nga pala gaya ng dati. Naging comfortable na naman ako.

“Sorry po.” Kasalanan din naman ng girlfriend mo! Kasalanan mo rin! Kasalanan niyo kahit nag-sorry ako. Palagi akong tama kaya kayo ang may kasalanan!

“Hmp!”

“Calm down now, honey, okay?” Paglalambing ni Hammer sa kaniya.

Honey? Yuck!

Payag ka no'n, Tiarra? Honey lang tawag sa'yo tapos sa akin my queen. Ibig sabihin ako ang producer mo. Wala ka pala, eh. Para lang kitang anak at mas superior pa rin ako sa'yo. Reyna niya ako tapos ikaw honey lang. Matamis ka lang kaya ka niya gusto.

“Paalisin mo 'yang babaeng 'yan!” Utos niya kay Hammer. Umangat ang ulo ko at nahuling nakaturo sa akin ang kamay niya.

“We are working here, honey. You know the situation of this company. Understand me, please?” Wow, sinampal ako ng pagiging single ko!

Tangina niyong dalawa, sagad! Talagang hahanap ako ng kalandian ko ngayon! Papatalo ba ako? Syempre hindi! Masyado akong maganda para walang ma-pick up!

Playful TemptationTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon