ACYLLE'S POV
Malakas akong nag-yawn at umunat ng todo. Ngayon na lang naging masarap ang tulog ko. Ang lambot ng kama ko, para akong na sa ulap. Dahan-dahan kong minulat ang mata mo. Gano'n na lang ang panlalaki ng mata ko ng makita si Hammer na nakatayo sa harap ng pinto at seryosong nakatingin sa akin. Wala akong makitang kahit na anong reaksyon sa kaniya. Kinagat ko ang aking pisngi. Oo nga pala, higaan niya pala dapat 'to tapos ako ang humiga.
“Hehe, good morning, Sir!” Naiilang na bati ko sa kaniya.
“Morning mo mukha mo! Ang sakit ng leeg ko!” Hinawakan niya ang leeg niya. Sabi ko nga hindi maganda morning niya.
Napakamot ako ng ulo. “H-Hindi ko naman kasi... h-hindi ako nagising, eh.”
“Napansin ko nga kasi kung nagising ka ako ang natutulog diyan,” he answered sarcastically.
Nag-pout ako. Kasalanan talaga lahat ng kama. Ang lambot niya. Ilang linggo na kaya akong walang maayos na tulog kaya hindi ako magtataka kung napasarap ang tulog ko sa masarap na kama.
“Bumangon ka na diyan, hoy! Anong gusto mo pagsilbihan pa kita at ihatid ang pagkain mo rito sa kuwarto?” Ayan na naman siya sa pagiging sarkastiko niya.
“Wala naman akong sinabi, ah!”
Tinalikuran niya lang ako at umalis. Tignan mo ang lalaking 'yon. Ang hirap unawain. Malala pa sa abakada, hmp!
Inayos ko ang aking sarili bago lumabas. Dumeretso ako ng kusina kung nasaan ang pagkain. Nagugutom na rin ako, maghapon akong walang kain. Again, kasalanan ng kama. Sana palagi na lang akong nandito para for the tulog lang. Umupo ako sa chair na nasa tabi niya. For two person lang talaga ang table namin. Ibat-ibang pagkain ang nakahain sa harapan ko. May seafood, dessert, wine, vegetable salad, at hindi nawawala sa order niya ang toasted bread.
“Sasamahan mo na ako mamaya sa isla. Ang hirap mong iwan, mananakawan ka na lahat-lahat nahilik ka pa rin!” Ano raw?
“A-Ako?! Humihilik?!” Hindi maiwasang turo ko sa aking sarili.
“Ay, hindi, Acylle! Baka ako, ako talaga nahilik kahapon!” Pamimilosopo niya, umirap siya.
Shungit!
“Seryoso ba?” Bulong na tanong ko sa aking sarili habang nakatitig sa pasta na nasa harapan ko.
“Ako na nagsasabi, ang lakas mo talaga humilik!” Inulit pa.
“Oo na! Oo na! Sana pina-billboard mo!” Nakakapikon 'tong lalaking 'to!
“Kung puwede lang gagawin ko kaso, ayaw ko namang ma-disappoint ang manliligaw mo tapos sabihing ang ganda mo pa naman malakas ka pala humilik,” pang-aasar niya. Binato ko siya ng isang mansanas sa sobrang pikon.
Bwiset talaga!
Malakas siyang tumawa. “Chill, ang aga mo namang high blood, Miss!” Tatawa-tawang saad niya.
“Ako hindi na natutuwa sa'yo, Hammer, ha! Pokpok ka talaga!”
“Syempre naman, pinag-aagawan kaya ako ng mga babae. Kulang na lang magtayo sila ng fans club ko,” malanding sabi niya sabay flipped hair.
Ako na ang sumuko sa kayabangan niya. I rolled my eyes at him. Kumain na lamang ako at pinilit na hindi pansinin ang existence niya. Gutom na nga ako tapos bagong gising, gagaguhin pa niya ako.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomansaR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
