6 years later....
ACYLLE'S POV
“Mommy! Mommy!” Malakas na tawag sa akin ni Astrea.
“What again, anak?” Nag-iimpake na ako ng gamit namin kinukulit niya ako.
“Mommy, can I take my bombo?” Pakita niya sa monkey doll niya.
“Yes, you can take that, anak.”
“How about chami?” Pakita naman niya sa palakang bear niya.
Tumango ako. “You can also take that. Take all your toys na lang, okay? Male-late na tayo sa flight.”
“Okay, mommy! I love youu!” Niyakap niya ako sa baywang at patakbong umalis.
Napailing na lamang ako. Anim na taon na ang nakalipas. Ngayon na lang ako uuwi ulit sa Pilipinas. Matapos kong umalis nang gabing 'yon at lumipad kasama nila Gavion papuntang America, hindi na ako nagtangkang bubalik pa ulit. Naging maayos ang pagsisimula ko ng buhay kasama si Trea. Ngayong babalik na kami sa Pilipinas bigla na namang nanumbalik ang lahat sa isipan ko. Buong akala ko sa pagsama ko kay Gavion ay makakalimutan ko si Hammer pero hindi. Gabi-gabi akong binabangungot at kino-konsensya. Paulit-ulit na pumapasok sa isip ko ang hitsura niya nang araw na iyon. Nakikita ko pa hanggang ngayon ang basa sa luhang mata niya habang nakaluhod.
Kung p'wede ko lang siyang pagbigyan na huwag na akong umalis gagawin ko. Kung wala lang malalim na dahilan nang mga oras na 'yon hindi ko siya iiwan. Kung hindi lang nangyari ang kinatatakutan ko... kung hindi lang dahil sa mga taong na sa paligid niya. Alam kong malaking galit ang tinanim ko sa puso ni Hammer. Ngayon, babalik ako para ayusin kung ano ang sinira ko. Kung hindi ko man makukuha muli ang tiwala niya at alam ko namang gano'n ang mangyayari gusto ko lang na makilala niya ang anak niya, si Astrea Cylhiemer Jacinto Coulter. Wala na akong pake kung gaano pa kalaki ang galit niya sa akin. Kung isumpa niya ako, saktan niya ako, basta makilala niya ang batang dapat nahawakan niya noong sanggol pa.
Pinalaki ko mag-isa si Trea. Kasama ang magulang ni Gavion dito sa America, tinulungan nila akong palakihin siya. Pinag-aral nila ako habang sila ang nagbabantay sa bata. Kaya, malaki rin ang pasalamat ko sa kanila. Kung hindi dahil sa tulong nila malamang isa pa rin akong Acylle na mababa hanggang ngayon. I graduated Bachelor of Arts in Organizational Leadership. Four years course siya na tinapos ko. Pinagsabay ko ang pagiging ina ko at pagiging estudyante. Now, I have my work in Philippines na naghihintay para sa akin. Isang manager ng isang kilalang company which is company din nila Gray. Sila na mismo ang kumuha sa akin. Mahirap na raw baka maunahan.
“Mommy, why do airplane fly?” Tanong nito habang prenteng naka-upo. Na sa loob na kami ngayon ng eroplano at kasalukuyang umaandar.
“Anak, hindi si mommy ang gumawa ng airplane, okay?” Mahirap pala mag-anak. Sana no'ng una pa lang sinabihan ko na si Hammer na gumamit ng condom.
“Eh, sino pong gumawa?” Curious ja tanong niya habang nakatingin sa akin.
“Uhm...” Teka, sino bang gumawa ng eroplano na 'to ng masakal na.
“Tao lang din ang gumagawa ng airplane, anak.”
Kinamot niya ang kaniyang ulo. “If tao po ang gumawa ng airplane then we should make our own airplane, mom.”
Sabi ko na nga ba mali sagot ko, eh!
Natawa ang babaeng na sa katapat niya. Napatingin siya rito habang naka-pout.
“Anak mo?” Tanong nito habang nakaturo kay Astrea.
Tumango ako at ngumiti. “Yeah, I'm sorry. She's just 5 and half years old. Curious lang talaga siya kaya madaldal.“ I patted my daughter's head.
BINABASA MO ANG
Playful Temptation
RomanceR-18 | MATURED CONTENT Matapos ang nangyaring break up ni Acylle at ng boyfriend niya, gumawa siya ng paraan upang makapag-move on ng mabilis. She thought entering in a new relationship is the fastest and good idea to forget his ex-boyfriend. But...
